^

Pang Movies

Pagpapari ni Dingdong patok na patok, nag-trending worldwide!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-trending sa Philippines at worldwide ang bagong soap ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang faithserye na Pari Koy. Very positive ang comments on Twitter sa pilot episode nito last Monday evening, after ng 24 Oras. Ang bilis din ng pacing ng story at mahusay ang acting ni Dingdong na kuhang-kuha ang character ni Fr. Kokoy na mahal ng parishioners dahil sa kanyang kabaitan at pakiki­sama.

Kaya naman kagabi, inilipat na si Pari Koy sa bago niyang parokya kung saan niya makikita ang mga parishioner na adik, lasenggo, tamad at tsismosang mga tagapaglingkod sa simbahan.

Congratulations to Direk Maryo J. delos Reyes, sa buong Creative Team at production staff ng Pari Koy.

Sef mas gustong makasama si Betong kaysa aminin si Andrea

Ever since na maging isa sa ­aven­gers ng StarStruck 5, gusto na ni Sef Cadayona na maging komedyante at dancer. Ayaw niyang gumanap sa mga drama series dahil baka raw matawa lamang sa kanya ang mga manonood. Nagpasalamat siya nang maging regular sa Bubble Gang at nakabatuhan ng jokes si Michael V. Sa Vampire ang Daddy Ko naman, maraming naituro sa kanya si Vic Sotto para maging natural lamang ang acting bilang isang beki.

Bukod sa dalawang shows, natuwa siya nang mapili para mag-host ng 15-minute Saturday throwback show na Sabado-Badoo na mapapanood na simula sa Sabado, March 15 bago ang Pepito Ma­na­loto.

Nagpa-audition pa sana ang GMA-7 ng magi­ging co-host niya, but since may chemistry na sila ni Betong Sumaya sa Sunday All Stars at Bubble Gang, sila na ngayon ang tinawag na “Kapuso laughteam”.

Sa show, ipi-feature nila ang videos at mga eksena ng dating programa ng GMA at ipi-present ito in a fresh and comedic manner. Kaya tiyak na magugustuhan ito ng mga manonood dahil ipaaalala nito ang mga nakaraang eksena sa mga TV shows na ngayon lamang mapapanood ng young generation.

Sa pocket interview, muling nag-deny si Sef na girlfriend niya si An­drea Torres nang tanungin siya kung nagpaalam ba ang sexy actress nang mag-pose ito sa FHM men’s magazine. Hindi raw naman dapat magpaalam sa kanya si Andrea dahil work iyon, pero nang makita niya ang ma­ga­zine, sabi raw niya rito: “good job!”

Eula kinabahan kay Jean, pero hindi nailang sa halikan nila ni Jomari

Nakaramdam din pala ng kaba si Eula Valdez sa first scene nilang magkasama uli ni Jean Garcia sa afternoon prime series nilang The Half Sisters. Alam daw kasi niyang malaki ang expectations ng mga manonood after ng almost ten years na huli silang nagkasama sa isang soap.

Pero pakiramdam niya, pareho pa rin, kabisado pa rin nila ang isa’t isa at wala silang naging problema kahit pa may tarayan at sampalang nagaganap dahil sa isang lalaking pareho nilang minahal, si Benjie played by Jomari Yllana.

Natawa si Eula nang tanungin kung hindi sila nailang sa ipinalabas na kissing scene nila ni Jomari. Wala raw naman ilang factor dahil level one lamang ang ginawa nila. Meaning, simple kiss lang iyon. Napapanood ang The Half Sisters after ng Eat Bulaga.

vuukle comment

ANDREA

BETONG SUMAYA

BUBBLE GANG

CREATIVE TEAM

HALF SISTERS

PARI KOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with