^

Pang Movies

Dingdong rumampang naka-high heels

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sponsor ni Dingdong Dantes ang asawa na si Marian Rivera sa orange high heels na sinuot niya kahapon sa Women’s Day celebration na ginanap sa Quezon City Memorial Circle. Naglakad si Dong na naka-heels kasama ang iba pang kalalakihan.

 Commissioner ng National Youth Commission si Dong at ipinagmamalaki niya sa picture ang suot na heels kalakip ang mensahe sa kababaihan:

“Nagsuot ako ng heels bilang pagpupugay sa mga kababaihan sa buong mundo, lalo na sa buhay ko: ang aking Nanay, mga kapatid, at lalo na sa aking asawa na si Marian.

“#inHerShoes is the second year wherein the #nationalyouthcommission takes the lead in ce­lebrating women power.

“We support all the moves to strengthen the implementation of the social protection of women especially in areas such as: safety in workplace, and ensuing women leadership that is beyond cultural boundaries and religious norms.

“Kaya ngayon na may asawa na ako, mas magandang maintindihan ko ang mga sacrifices that you have made and will continue to do for me. A snappy salute to all the women in the world! Salamat @therealmarian, ang aking sponsor, for those lite­rally high heels. @nycpilipinas @angelinedantes @ayaaurelio @trinaquema @vickidantes.”

Kasabay ng balita kay Dong sa pagsama sa pag­lalakad para sa Women’s Day, naglabas naman ng maikling pahayag si Dondon Monteverde tungkol sa naglabasang balita sa pagkakawala ng aktor sa movie ni Erik Matti na Ponzi. Natanong ang ­isyung ito sa presscon ng Pari Koy ni Dong na magsisimula sa Lunes after ng 24 Oras.

May lumabas kasing write up na pinagmukhang tanga ni Matti si Dong na biglang nasibak sa pagi­ging bida. Heto ang pahayag ni Dondon:

“I presume a black and white would speak louder than words. Just wanted to clear matters on Lovi Poe issue. In Dingdong’s case, I still treat him as a friend. I have a lot of respect kay Dingdong and hope we can talk to each other when things cool down.”

Nadine malayung-malayo ang hitsura sa tatay

Pasok nang talaga sa mainstream commercial ang love­team nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa lumabas na nilang TVC sa isang food chain!

As usual, guwapung-guwapo at mukhang hindi maldito si James, huh! Siyempre, normal lang ang dating ni Nads at medyo lumayo sa hitsura ng look a like na si Kathryn Bernardo.

Naloka lang kami sa lumabas na fadir ni Nadine sa commercial. Ang layo sa hitsura ni Nadine na para bang sinadyang magmukha itong caricature, huh!

Film Produ problemado

Problemado raw ang isang film producer ngayon.  Sinisingil na rin kasi siya  ng investor sa pelikulang ipinalabas kamakailan.

Malaki man ang kinita ng huling movie, hindi sapat ‘yon upang ma-recover ang gastos sa movie. Eh, ‘yung mga cheke ng producer na inisyu eh diumano ay tumatalbog na, huh!

Kaya naghahanap muli ng bagong investors ang produ sa bagong project para ma­ipambayad sa pina­ngakuang investors na babayaran.

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

DONDON MONTEVERDE

ERIK MATTI

FILM PRODU

IN DINGDONG

JAMES REID

NADINE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with