^

Pang Movies

Nasilaw sa $12 M na talent fee Jamie Dornan ng Fifty Shades pumayag uling maghubad alang-alang sa $12 million

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May balitang hindi na gagawin ng Irish actor na si Jamie Dornan ang sequel ng box-office hit na Fifty Shades of Grey.

Pero pinabulaanan ito ng rep ng aktor at tuloy pa rin ang pagganap niya bilang si Christian Grey sa sequel na Fifty Shades Darker.

At kasama sa pagpirma ulit ng aktor sa sequel ay ang malaking talent fee.

Babayaran ang 32-year old actor-model ng tuma­taginting na $12 million!

Ayon nga sa aktor: “The money on offer was just too good.”

Malaking pag-angat nga ito sa talent fee ni Dornan na binayaran lang ng $100,000 para sa unang pelikula na isa na ngayong worldwide phenomenal hit.

“Jamie has signed the deal and he’s thrilled. He’s been really worried that he will get typecast as Christian Grey and it will do his long-term career ambitions damage.

“So he was about to walk away and leave it all behind then bosses of the movie franchise came back with the jaw-dropping offer,” sey pa ng isang Hollywood insider.

Inamin nga ng aktor na na-bother ang kanyang wife na si Amelia Warner sa mga sex scenes nila sa pelikula ni Dakota Johnson.

Nahihiya nga raw si Dornan na mapanood ng kanyang misis ang mga eksena niya.

 Jose at Eugene nagtuturo ng kalaswaan?!

May ituturo ang tambalang Jose Manalo at Eugene Domingo or JoGe sa kanilang mga fans.

 Ito ay ang Lambingan 101 na ide-demonstrate nila ngayong Sabado sa Celebrity Bluff.

Kung paano mag-kiss na labas ang dila ang siyang ituturo ng Pambansang Loveteam sa kanilang mga fans.

Ang tanong ay mapayagan kaya ng MTRCB ang kanilang inaabangan na halik? Hindi kaya maging masyado itong malaswa para sa mga menor de edad na makakapanood?

Anyway, ang mga celebrity contes­tants ngayong Sabado sa Celebrity Bluff ay sina Justin Chua at Charee Pineda; Arwind Santos and Andrea Torres at Ronald Tubid  and Dasuri Choi.

Miguel mamahaLing regalo ang ibinigay kay Bianca

Magsi-celebrate ng kanyang 15th birthday ngayong Linggo sa Sunday All Stars ang Kapuso teen actress na si Bianca Umali.

Noong nakaraang March 2 ang kanyang birthday at isang swimming party ang naganap kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan at ang ka-loveteam na si Miguel Tanfelix.

Niregaluhan ni Miguel ang kanyang leading lady ng isang mamahaling relo na pinost pa niya sa Instagram.

Naka-receive ng 2,419 likes ang photo at 120 comments naman ang natanggap nito mula sa kanilang mga fans na parati silang inaabangan sa teleserye na Once Upon a Kiss.

Magkakaroon din mall show ang dalawa sa SM Dasmariñas kasama ang ibang cast ng OUAK na sina Betong Sumaya, Sabrina Mann, and Miggy Jimenez.

Natutuwa si Bianca para kay Miguel dahil kasama ito sa graduating high school class ng Cavite School of Life.

Kahit nga busy ito sa kanilang shows, masipag si Miguel na gawin ang kanyang mga assignments at na-maintain nito ang magandang grades sa school kaya kasama ito sa ga-graduate sa March 23.

vuukle comment

AMELIA WARNER

ANDREA TORRES

ARWIND SANTOS

BETONG SUMAYA

CELEBRITY BLUFF

CHRISTIAN GREY

MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with