^

Pang Movies

Bea Binene tengga muna sa GMA, ‘di pa binibigyan ng bagong trabaho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inamin ni Bea Binene sa ilang ka-dinner na entertainment press noong isang gabi na kapag nag-iisa siya, naiisip din niya ang nangyari sa kanila ni Jake Var­gas, nanghihinayang siya sa three years na naging sila, pero nag-decide raw siya sa break-up dahil bakit pa niya itu­tuloy ang relasyon nila kung walang ka­si­guraduhan. Naniniwala siyang mas ma­katutulong sa kanilang pagma-mature ni Jake ang pag­hihiwalay nila.  Mas na­ka­­kapagkuwento na ngayon si Bea ng break-up nila dahil wala na siyang ipinu-pro­mote na movie or TV show. Ayaw niyang mag-comment sa issue na nakikita si Jake na may kasamang non-showbiz girl.  

Nag-last taping day na rin pala  siya sa Pepito Ma­naloto na ka-partner niya roon si Jake.  Kaya sa Vampire ang Daddy Ko na lamang siya napapanood every Sunday na katambal niya si Derrick Monasterio. Natawa siya na sila raw ni Derrick, hindi raw pero ayaw niyang sabihin kung sino dahil taga-showbiz din ito at baka maapektuhan ang love team nina Derrick at Barbie Forteza sa afternoon prime drama series ng mga ito na The Half Sisters.  

May Good News siya sa GMA News TV with Vicky Morales.  Naghihintay pa siya ng next project sa GMA pero tutok siya sa shooting ng pinu-produce niyang 45-minute documentar­y-short film na Dinggin na sinu-shoot nila sa Bataan at Nueva Ecija. 

Dito raw natuto siyang mag-araro ng bukid.  Advocacy raw niya ito for climate change in a film.  Busy pa rin si Bea sa Kapuso Foundation at sa blood letting nila in cooperation with the Philippine Red Cross.

Mga bida sa Rich Man’s Daughter nagmistulang mga bata 

Nagmistulang mga bata ang cast ng The Rich Man’s Daughter, sina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Luis Alandy, Mike Tan, Ruru Madrid, at Gabbi Garcia, sa omnibus plug shoot nila ng soap sa Sky Ranch ng SM City in Pampanga last Thursday.  Kasama rin nila ang husband ni Marian, si Dingdong Dantes, para naman sa kanyang plug shoot ng Pari ‘Koy na pilot tele­cast na sa Lunes, March 9, after ng 24 Oras. 

Sumakay sila sa mga rides doon at nag-shoot sa ilalim ng napakainit na araw. 

 

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BEA

BEA BINENE

DADDY KO

RICH MAN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with