^

Pang Movies

Daniel gustong bumalik sa eskuwelahan, mag-aaral ng film making

- Vinia Vivar - Pang-masa

Excited na si Karla Estrada na makipagtagisan sa kapwa-contestant sa Your Face Sounds Fami­liar at say nga niya, ayaw daw niyang magpapayat para maiba naman daw siya sa mga katunggali.

Ang Your Face Sounds Familiar ay ang bagong franchise program ng ABS-CBN mula sa Endemol to be hosted by Billy Crawford kung saan ay walong celebrities ang maglalaban-laban para gumanap at kopyahin ang galaw, porma, mukha, at maging ang boses ng iba’t ibang music icons, local man o international.

Ngunit ang twist ay kailangan nilang eksaktong magaya ang nasabing music icon kahit ano pa man ang kasarian, edad, at istilo nito sa pamamagitan ng isang live performance na siguradong magbibigay-aliw sa mga manonood. Ang performances na ito ang siyang huhusgahan ng kanilang co-performers at ng jury na kinabibilangan ng mga respetadong personalidad sa industriya.

Si Billy Crawford ang magho-host ng show at ang walong celebrities naman ay sina Karla, ­Jay-R, Tutti Caringal ng 6CycleMind, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Nyoy Volante, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

Ayon kay Karla, para raw maiba siya sa pito, ang plano niyang magpapayat ay isasantabi niya muna.

“May conscious effort naman akong magpapa­yat, pero sa ngayon pananatilihin ko muna ng tatlong buwang ganito (mataba) para may pagkakaiba naman ako roon sa mga sexy or else, pare-pareho na kami.

“Ang iniisip ko lang, ang laki ko baka hindi ako makasayaw, unfair sa iba, pero kung kailangan kong sumayaw, why not, magre-wrecking ball nga raw ako, kaya lang sabi ni Maggie (pangatlong anak ni Karla), ‘you’re gonna wreck the ball mama,” tumatawang sabi ni Karla.

Gustong makatulong ng dating aktres sa anak na si Daniel Padilla kaya nag-decide na raw siya na bumalik ulit sa harap ng camera. Ayaw nga raw sana ng young actor pero pinaliwanagan naman daw niya ito.

“Nag-decide na ako kasi alam ko namang ikatutuwa niya (Daniel) ito kasi alam niyang gusto kong magkaroon ng (trabaho).

“Kasi di ba, apat na taon na siyang siya ‘yung nagtatrabaho, mayroon akong pakonti-konti, pero parang (hindi sapat).  

“Of course, masarap pa ring pakinggan na hindi lang siya ‘yung breadwinner kundi kaming mag-ina ang nagtutulungan,” sabi ni Karla.

Hangga’t maaari ay ayaw daw talaga ni Daniel na magtrabaho siya pero nang i-explain naman niya raw sa anak ang punto niya ay pumayag na rin ito.

Say pa ni Karla, ayaw nga ring pagtrabahuhin ni Daniel ang mga nakababatang kapatid na babae at ang gusto nito ay mag-aral muna’t magtapos.

“Yung isang kapatid nga niya, ‘yung bunso, si Carmela kinukuhang mag-artista para sa bagong show, hinindian niya (Daniel). Solong teleserye sana. Sinabi ni DJ na huwag, ayaw niyang parang package deal.

“Sabi ko, ‘anak hindi naman, kasi kung deser­ving naman.’ Pero ang gusto niya, pag-aralin ‘yung mga babae, pagtapusin muna,” kwento ni Karla.

Kung tutuusin ay gusto rin daw mag-aral ni Daniel pero dahil nga sa sobrang busy sa trabaho ay hindi nito magawa. Ayaw naman daw ng young actor ng home study.

“Gusto niya pumasok. Baka mag-film making  siya sa UP. Gusto niya nasa loob siya ng paaralan. Sabi ko sige, anak, bigyan mo pa ng isang taon tapos puwede ka nang pumasok. This year kasi talagang walang bakanteng araw sa kanya. Magta-trabaho siya hanggang 2016, mga first quarter,” sabi pa ng magandang ina ni Daniel.

Ang nakakatuwang parte ay nang matanong si Karla kung virgin pa si DJ at mabilis naman itong sinagot ng ina.

“Hindi ako para sumagot noon, pero I would like to think, yes, oo, hindi siya ano. Naku, ‘yung isa ko pa, pilyo,” sabi ni Karla.

Hindi naman daw siya biased na ina at sasabihin naman daw niya ang totoo. Open din daw sila ni Daniel pagdating sa mga ganitong bagay pero nahihiya rin daw ang anak.

“Oo, open tapos, tatayuan ka na niya, aalis siya, mabubuwisit siya, nahihiya siya, eh.

“Sinasabi ko lang naman ang totoo, ‘ang panandaliang kaligayahan ay nagiging taon o habang-buhay na pagsisisihan mo, so lagi kang mag-iingat,’ ‘Ma, ano ba ‘yan?’ ‘hindi anak, mayroon tayong brand diyan,’ ‘Ma!’ Tapos, tatakbo na ‘yan. Ayaw niya ‘yun.

“Pero kasi, pinangungunahan ko, pero I know my son very well. Hindi siya santo. Huwag nating isiping ganu’n. Pero ako, sinasabi ko, he’s very conservative,” say pa ni Karla.

Samantala, mapapanood na ang Your Face Sounds Familiar on March 14 and 15 (Saturday and Sunday) at abangan kung sino-sinon’g music icons ang gagayahin ng walo.

vuukle comment

AYAW

DAW

KARLA

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with