^

Pang Movies

Alex Gonzaga, bubuhayin ang mga makapangyarihang duwende

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakaaaliw na kwento ng pangarap at mahika ang malapit nang mapanood ng primetime viewers sa pinakabagong fantasy-drama series ng ABS-CBN na  Inday Bote na pagbibidahan ng Kapamilya TV-host actress na si Alex Gonzaga.

Ang Inday Bote ay halaw sa sikat na komiks na isinulat ng beteranong komiks novelist na si Pablo Gomez. Ito ay iikot sa kwento ni Inday (gagampanan ni Alex), isang masayahing dalaga na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Dahil sa kabusilakan ng kanyang puso ay pagkakalooban si Inday ng isang mahiwagang bote na lingid sa kanyang kaalaman ay tinitirahan ng mga duwendeng may kapangyarihan.

Paano babaguhin ng mahiwagang bote at ng mga duwende ang buhay ni Inday? Suwerte o kamalasan ba ang maidudulot nito sa kanyang pamilya?

Samantala, ipakikilala rin sa Inday Bote ang pinakabagong Kapamilya child actor na si Alonzo Muhlach. Siya ay gaganap bilang isa sa mga duwendeng magiging kaibigan ni Inday na si Entoy.

Sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin, tampok din sa bagong serye sina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Alora Sasam, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, at Izzy Canillo sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television

Bagong kotse, bagong bahay naibigay na sa mga nanalo sa Amazing Race Season 2

Masayang-masaya sina Matthew Edwards at Phoebe Walker na makuha ang napanalunan nilang 2 brand new KIA Sportage SUVs na parte ng halos 10 milyong pisong grand prize na napanalunan nila sa The Amazing Race Philippines Season 2. Nang matanong tungkol sa unang destinasyong gusto nilang marating gamit ang bago nilang mga sasakyan, ibinahagi ni Phoebe na dadalhin niya ang kanyang pamilya sa Manaoag para na rin ipa-bless ang kanyang bagong kotse; samantalang umaasa naman si Matthew na magamit ang kanyang bagong puting SUV sa mga tapings niya sa TV5. Bukod sa 2 bagong KIA Sportage SUVs, inuwi rin nila ang 2.8 milyong pisong cash prize mula sa PLDT Home Telpad, at 2 house and lots mula sa RCD Royale Homes.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALONZO MUHLACH

ALORA SASAM

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

AMAZING RACE SEASON

ANG INDAY BOTE

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION

INDAY

INDAY BOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with