^

Pang Movies

Mas marami raw ang mga pinapatay araw-araw task force Jolo pinagtatawanan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Marami ang natatawa doon sa sinasabi ng PNP na may binuo silang isang task force para imbestigahan ang aksidenteng pagkakabaril ni Jolo Revilla sa kanyang sarili. Ganoon din kaya ang magiging interest nila kung hindi isang artista at pulitiko rin si Jolo?

Maraming mga natatagpuang bangkay sa kalye araw-araw. Marami ang sinasabing posibleng biktima ng “summary execution”. Marami maski na sa mga journalist ang biktima ng karahasan, pero walang task force. Iyang kaso ni Jolo Revilla, inaamin naman niyang “self inflicted” nga iyon. Ano pa ang gagawin ng isang task force?

Maraming trabaho ang ating kapulisan na hindi nila nagagawa nang maayos. Tigilan na nila iyang mga ganyang pampa-pogi. Pogi na ang image nila dahil sa mga namatay nilang kasama sa Mamasapano. Tama na.

Mercy killing!?

Trending ang mga kuwento tungkol sa pagyao ni Jam Sebastian, ang dating dancer na naging  Youtube star dahil sa mga ginawa ­nilang videos ng kanyang girlfriend na si Michelle Liggayu. Pumanaw na nga si Jam matapos ang mahigit na isang taong pakikipaglaban sa cancer, sa isang pagkakasakit na sinasabi nga ng iba na “nagkaroon ng continous coverage sa Internet.”

Pero may isang linya sa post na ginawa ng girlfriend ni Jam na nakatawag ng aming pansin. Sinabi niya, “the family had decided, inuubos na lang nila ang gamot ni Jam.”

Hindi diretsahang sinabi, pero parang ang dating ay namatay si Jam matapos na alisin sa ikinabit sa kanyang “life support.” Nauna rito, hiningi na ni Jam mismo ang “mercy killing” dahil hirap na siya sa sakit niya. Lahat din naman ng tao, maging ang tatay ni Mich ay nagsabing wala na talaga si Jam. Nabubuhay na lang siya dahil sa iki­nabit na life support. Iyon bang pagkaka-alis ng kanyang life support ay para na ring ibinigay nila ang kahilingan niyang “mercy killing”?

Iyang “mercy killing” o tinatawag ding “euthanasia”, ay hindi lamang illegal sa ating bansa, kung di lalo ring sinasabing isang kasalanan sa Diyos. Ganoon nga ba ang kanilang ginawa?

Nagkaroon na ng question tungkol diyan sa “life support” noong araw. Matatawag bang “mercy killing” ang pag-aalis ng life support?

Kung pag-aaralan ang turo maging ng simbahan, lahat tayo ay may katungkulang magligtas ng buhay, dahil sa paniniwalang ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng buhay. Pero sinasabi nga na ang pananagutang panatiliin ang buhay ay sa “normal na paraan”. Iyang life support ay tinatawag nga ring “extra ordinary” means ng pagpapanatili ng buhay. In fact may naniniwala pa ngang ang paglalagay ng life support ay pakikialam sa natural na takbo ng buhay. Maaaring sa paningin ng iba, ang nangyari ay mercy killing na rin nga, dahil sinabi naman sa kanila na wala na ring patutunguhan ang pakikipaglaban ni Jam at hahaba lamang ang paghihirap, pero maaaring may katuwiran sila.

Ang pagpapahabang pilit ng buhay gamit lamang ang isang “life support” ay hindi natural.

Lantaran TV personality sobra ang katakawan sa laman

Ang tindi ng tsismis na sinasabi nilang isang “sex starved” na female TV personality. Nadagdagan na naman ang mga kuwento tungkol sa kanya. Hindi na kaya siya talaga maaaring mag-behave? Dapat pagsabihan din siya ng network niya.

vuukle comment

DIYOS

ISANG

IYANG

JAM

JOLO REVILLA

LIFE

MARAMI

SUPPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with