^

Pang Movies

Derek at Yna nagkabalikan?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sina Derek Ramsay at Yna Assistio na bang talaga? Itinanggi na nila noon ang tsismis na ‘yan, huh! Anong malaking kadahilanan at nahukay muli ang tsismis sa kanila?

Pagdating naman sa girlfriend, tanging si Angelica Pa­nganiban lang ang inamin ni Derek.

Anyway, mukhang lumabo na ang pagsasama nina Derek at Kris Aquino. Ang latest, isasama na si Derek sa Toni Gonzaga-Coco Martin movie. Star Cinema na ang producer ng pelikula unlike ‘yung movie with Kris, apat ang producer ng pelikula kaya matatagalan bago maayos ang gastos at hatian!

Pakikiramay sa pamilya ng You Tube sensation Jam umulan sa social media

Trending worldwide sa Twitter kahapon ang pagyao ng YouTube sensation na si Jam Sebastian ng Jamich loveteam. Kinumpirma ng ina ni Jam ang pagsuko ng katawan ng anak sa ganap na alas-diyes y medya kahapon.

Twenty eight years old si Jam nang tuluyang bawian ng buhay dahil sa lung cancer matapos ang ilang buwang pakikibaka sa sakit. Sumikat sila sa YouTube dahil sa kanilang rom-com videos ni Michelle Liggayu.

Kapatid ni Jam si Yexel na naging boyfriend ni Rochelle Pangilinan nu’ng Sex Bomb days ng dancer-actress. Hindi nga lang nakarating si Rochelle nang magdaos ng fund raising sa Zirkoh Comedy Bar para sa hospital expenses ng YouTube idol.

As of this writing, wala pang detalye kung saan ibuburol si Jam.

Sunshine inalala kung paano siya binantayan ni Dingdong noon

Mas kalma na raw ngayon sa pagtatrabaho si Dingdong Dantes sa reunion program nilang Pari ‘Koy a­yon kay Sunshine Dizon. Nagkasama kasi ang dalawa nu’ng panahon ng Anna Karenina at Encantadia. Pero hindi naman ibig sabihin ni Shine na wild dati si Dong sa trabaho, huh!

“Hindi naman! May mga phases lang siya ng buhay noon. Siyempre bata pa, kaya ko nasabing mas kalmado siya ngayon,” pahayag ni Sunshine sa press launch ng GMA inspirational series kung isa siya sa main cast.

Eh, wala ring tsismis sa kanila nu’ng panahon ng Anna Karerina. Kapatid kasi ang turing sa kanya ni Dingdong na laging pinagbibilinan ng ina na bantayan kapag umaalis na siya sa set.

“Alam naman ninyo si Mommy sa akin that time, over protective. Kaya tuwing aalis na siya sa set, si Dong ang binibilinan niya na bantayan ako. Natatawa lang siya kapag ibinibilin ako sa kanya ni Mommy! Ha! Ha! Ha!” pag-alala pa ng aktres.

Sa totoo lang, sa tatlong loveteams (Dingdong-Antoinette Taus, Sunshine-Polo Ravales, at Kim de los Santos-Dino Guevarra), tanging sina Dong at Shine ang matatag-tatag sa kanilang career, huh! ‘Yung ilan ay waley na at ‘yung iba ay has been na, huh! He! He! He!

vuukle comment

ANGELICA PA

ANNA KARENINA

ANNA KARERINA

DEREK

DINGDONG DANTES

DINGDONG-ANTOINETTE TAUS

JAM SEBASTIAN

KAPATID

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with