^

Pang Movies

Piolo ayaw nang makatambal si Juday?

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung noon ay panay ang paghibik ni Piolo Pascual na makatambal muli si Judy Ann Santos, medyo nabawasan na ito ngayon. Mas excited siyang makatambal sa pelikula si Sarah Geronimo. E si KC Concepcion kaya?

“Nagkita kami ni KC minsan dito sa Dos at okey lang, we’re very civil with each other,” kuwento ng aktor.

“Matagal naman ang pinagsamahan namin noon, kailangan lang ng konting oras pa para maibalik ‘yung dating friendship,” sabi ni Piolo na mas concerned ngayon sa career ng anak niyang si Iñigo Pascual.

Guwapo ang anak ni Piolo, pero mas guwapo ang tatay kaysa anak. Kulang din sa publicity si Iñigo dahil wala namang gimik sa katawan. Kulang siya sa isyung pag-uusapan.

Angelica malamang maghakot ng Best Actress award

Tumabo na ang That Thing Called Tadhana sa mga sinehan ng P125-M sa ikatlong linggong palabas ito sa sinehan. Napanuod namin ang pelikula at deserving talaga ang pagbi-best actress ni Angelica Panganiban para sa pelikula. Kaya ang tanong, masungkit din kaya ni Angelica ang Best Actress award sa darating na 31st PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards na gagawin ngayong Linggo March 8 sa Solaire?

Pero hanga rin kami kay JM de Guzman dahil sa kanyang consistency. Hindi siya nang-agaw ng eksena kay Angelica. Hindi rin siya na-trauma sa galing nito at sapaw na sapaw siya. Alam niya kasing kumbaga, supporting lang siya sa aktres.                        

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BEST ACTRESS

JUDY ANN SANTOS

LINGGO MARCH

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB

PIOLO

PIOLO PASCUAL

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with