^

Pang Movies

Manolo at Maris pang-masa rin daw ang kilig

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang bilis ng asenso ni Manolo Pedrosa mula nang lumabas ito sa Pinoy Big Brother (PBB) house. Kapwa rin sila suwerte ni Maris Racal na hindi man pinalad maging grand winner sa PBB, hindi naman nawawalan ng trabaho sa Kapamilya Network.

Hindi makapaniwala sina Manolo at Maris dahil may pelikula agad silang dalawa. Ang siste, sila pa ang bida sa movie na may title na Stars Versus Me.

Nakatulong na nag-workshop muna ang dalawa bago sila sumalang sa shooting at para na rin mag-bonding bago nila ginawa ang movie.

Pressured ang dalawang bagets sa kanilang first shooting day, pero tinulungan sila ng magaling na si Direk Joven Tan kaya mas madaling na-enjoy ng dalawa ang pagtatrabaho.

Kinikilig ang fans ng dalawa dahil lalo raw silang naging close habang ginagawa ang movie. Hindi naman nahirapan si Manolo dahil chill lang siya sa trabaho na natural lang daw sa hinihinging acting ni Direk Tan sa kanyang role.

Mas doble pa ang pressure kina Manalo at Maris dahil sinasabi ng fans sa social media na sila ang susunod na Kathniel loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pareho raw kasi sina Manolo at Maris  nina Daniel at Kathryn na pang-masa ang dating at kuha ang kiliti ng fans. Natuwa naman si Maris pero nahihiya siyang ikumpara sa loveteam ng Kathniel dahil successful na ang dalawa, samantalang marami pa raw silang kakaining bigas ni Manolo.

Ang kasimplehan ng tambalang Manolo at Maris na binansagang MarNolo ang isa sa ginusto ng fans dahil down to earth ang dalawa at wala raw arte sa katawan. Wish ng fans na may marating ang kanilang career at hindi magbago ang pagiging simple ng mga ito. Gusto rin ng fans ang pagiging kapwa marespeto nina Manolo at Maris sa kani-kanilang magulang at kapatid. Tinatanong tuloy ng fans ni Manolo kung matutupad nito ang promise niya sa kanyang parents na hindi muna siya magi-GF hanggang hindi pa ito nakakatapos ng college, lalo’t lagi silang sweet ni Maris.

Excited na ang fans ng MarNolo sa launching movie ng kanilang loveteam na Stars Versus Me na hango sa Wattpad story.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

DIREK JOVEN TAN

DIREK TAN

FANS

KAPAMILYA NETWORK

KATHNIEL

MANOLO

MARIS

STARS VERSUS ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with