^

Pang Movies

Maricel nagde-demand pa rin ng malaking talent fee kaya walang pelikula at TV show?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nag-celebrate si Maricel Soriano ng kanyang ika-50 taong kaarawan. Nagkaroon sila ng film showing ng ilan niyang lumang pelikula na kahit na sabihin mong luma na at napanood na ay dinumog pa rin ng kanyang fans. Nagdatingan ang fans ni Marya para patunayan na totoong naririyan pa rin sila. Take note, marami ang dumating na hindi pito lang kagaya ng iba riyan.

Nakahihinayang lang na wala na naman siyang bagong pelikula o bagong TV show na inilalabas nga­yon. Mas naging maganda sana ang celebration kung may bago siyang proyekto na pagkakaabalahan.

Matagal na rin walang pelikula si Maricel. Marami na ang naghihintay na magkaroon siya ng pelikula at si­gu­ro nga ay patutunayan naman ng kanyang fans na kaya nilang gawing hit ang anumang pelikula na kanyang gagawin. Nagawa nga nilang top-rater ang kanyang huling TV series at hindi naman maikakailang isa siya sa nagdala ng programa.

Isinama siya sa isang comedy film, hindi man masabing siya ang dahilan ng pagiging box-office hit noon dahil maikli lang naman ang kanyang role, nanalo naman siyang best actress sa naturang pelikula.

Sa dalawang sitwasyong iyan, maipapakita na naroroon pa rin ang suporta ng kanyang fans, at naroroon pa rin ang paniniwala sa kanya ng mga kritiko. Kaya minsan magtatanong ka, ano nga kaya ang dahilan at walang pelikula si Maricel? Kung iisipin mo, kulang na kulang tayo sa mga artista, samantalang nandiyan lang si Maricel. Ang naiisip lang naming problema talaga, kagaya rin noong nangyayari sa ibang malalaking artista, ayaw silang kunin dahil mataas na ang kanilang talent fee.

Pero tingnan ninyo, reklamo tayo nang reklamo na walang makuhang mahuhusay na artista, samantalang nariyan lang ang mga aktres na kagaya ni Maricel, wala namang assignment.

Sen. Bong kinaawaan ng ibang senador

Sinasabi naman ngayon ng ilang senador na sana payagan si Senador Bong Revilla na madalaw ang kanyang anak na si Jolo Revilla sa ospital. Pero iyan ay nasa desisyon ng korte. Ang sinasabi nga nila, for humanitarian reasons, sana nga ay mapayagan ang senador. Ang hiling lang naman niya ay madalaw ang kanyang anak na nasa isang malubang kalagayan.

Talagang masasabi mong malubha nga ang kalagayan ni Jolo matapos na sabihing halos kalahating litro ng dugo ang inalis sa kanyang baga. Kailangan diyan ang matinding obserbasyon ng mga doctor dahil baga iyan eh. Maliwanag na doon lumusot ang bala mula sa mismong baril na nililinis niya.

Kagaya nga ng nasabi na namin, malamang ay hindi niya na-check ang chamber ng kanyang baril. Maaa­ring may naiwang bala nang alisin niya ang magazine para linisin iyon. Ang importante, wala namang foul play sa nangyari, pero iniimbestigahan pa rin iyon ng SPD.

Aljur ayaw na uling maging jobless?!

Nakakatawa naman dahil matapos idemanda ang GMA Network, bumalik din doon si Aljur Abrenica. Maliwanag na walang ibang kumuha sa kanya kaya nagbalik siya sa network.

Ano naman kaya ang susunod niyang gagawin? Papayag na rin kaya siyang maging underwear endorser na pinakakatanggi-tanggihan niya noon? Naranasan niya ang maging jobless kaya malamang lahat ng trabaho sunggaban niya.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

JOLO REVILLA

KANYANG

KAYA

LANG

MARICEL

NAMAN

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with