^

Pang Movies

Alex ayaw makumpara kay Maricel, iba raw siya

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Alex Gonzaga, talaga raw nagbigay ng ­ins­truction sa kanya ang Dreamscape Entertainment na huwag panoorin ang original na Inday Bote ni Maricel Soriano.

“Kasi po, ibang-iba po ‘yung story, ibang-iba po ‘yung karakter na gagawin sa Inday Bote ngayon sa Inday Bote noon. Sabi ko nga po eh, ano ba ‘yan, kasi baka ang alam nilang Inday Bote is ‘yung parang acting ni Ms. Maricel (Soriano) pero iba po talaga itong ginagawa namin.

“Kaya siguro, dapat po, panoorin nila kasi very different po talaga ‘yung. . .kasi ‘di ba po, ang alam ko, si Ms. Maricel, mata lang, ganun. Sobrang hindi po ganu’n ‘yung Inday Bote ngayon,” sabi ni Alex.

At mas gusto naman daw niya na iniba rin para maiwasan na rin ‘yung maikumpara siya kay Marya.

Nararamdaman ba niya na isa na siya sa hottest stars natin ngayon?

“Hindi ko naman kasi. . .pramis ha, kasi parang ako, sa tagal ko na rin, nage-ABS, nagti-TV5, nagse-seven (GMA-7), so parang ‘yung mga nakasama ko noon, ang layo na ng nara­ting. So parang hindi mo na rin naman iniisip na parang grabe na ‘yung nara­ting ko.

“Siguro kung dati, ‘yung mga opportunities na dumarating sa akin nga­yon, ibinigay sa akin noon, baka siguro, sobrang feeling ko (na sikat), pero since ‘yung na-train ka, ‘yung alam mo kung saan ka lang lulugar, kung ano ka, na hindi naman ito dapat pumasok sa isip mo, dahil lahat ito, eh opportunity lang na ibinigay sa ‘yo ni Lord, so parang mapapaisip ka.

“Saka, maganda po talaga na nan­diyan ‘yung kapatid ko kasi nagre-remind-an kami sa isa’t isa,” say pa ni Alex.

Sinagot din ng young actress ang intrigang may attitude siya sa trabaho.

“May mga time po, nitong kakalipat ko lang po sa ABS-CBN, ‘yung mga naging ka-close ko, sasabihin nila, “alam mo, iba ‘yung naririnig namin sa ‘yo dati, na ang arte-arte mo, so ayaw naming tanggapin ‘to, pero sobrang iba pala.”

“Sabi ko, “kita n’yo na, kaya ‘wag kayong nakikinig sa sabi-sabi.”

Alam din niyang marami siyang bashers pero say ni Alex, hindi raw siya nagpapaapekto sa sinasabi ng mga ito.

“Lahat naman ng gagawin natin, mayroong mga magki-criticize sa iyo, so parang ano na lang, you just let the bashers be bashful, wow!” say niya sabay-tawa.

“Parang mahiya na rin sila, maging bashful na lang sila. Parang hindi mo lang iniisip ‘yun, kasi ‘pag may isang nag-criticize sa iyo or nag-bash sa iyo, i-check mo naman kung ilan ‘yung mga sumusuporta sa iyo na mga nagmamahal sa iyo, parang sobrang. . .parang ang OA mo na kung maaapektuhan ka ng isang ganu’n,” say pa ni Alex.

Oo nga naman.

Jolo kailangan pa rin ng matinding pagmu-monitor sa nagdurugong baga

As of press time ay nasa ICU (Intensive Care Unit) pa rin si Cavite Vice Go­ver­nor Jolo Revilla matapos itong sumailalim sa operasyon nang aksidenteng mabaril diumano ang sarili noong Sabado ng umaga.

Nagbigay ng update kahapon ng umaga ang spokesperson ng pamilya Revilla na si Atty. Raymond Fortun sa Umagang Kay Ganda kung saan ay sinabi niyang papunta na sa pagbuti ang aktor/politiko.

“Sa mga panayam ko sa kanyang ina, si Cong. Lani, na siyang palaging nag-a-update sa akin, patuloy pa rin ang prognosis sa kanya ay tinatawag na ‘guarded.’ Ang ibig sabihin ay posible na ‘yung kritikal na bahagi nung nangyari sa kanya ay nakalipas na pero ‘di pa rin maalis ang kumplikasyon kung hindi maagapan ‘yung mga sintomas na lumalabas sa panahon na ‘yon,” pahayag ni Atty. Fortun.

“Sa ngayon po ay puwede nating sabihin na medyo papunta na siya sa pagbuti ng kanyang katawan, pero kailangan bantayan pa rin ito para masiguro na dire-diretso ang kanyang paggaling,” dagdag pa ng abogado.

Pero kahapon din ng umaga, ilang oras matapos magsalita ni Atty. Fortun sa UKG ay nag-post si Congressman Lani Mercado sa kanyang Facebook account na “Lord please stop the bleeding in Jolo’s Lungs. You are ultimate healer.”

Sa kanang dibdib ang tama ni Jolo na tumagos sa kanyang likod. Kinaila­ngang pasukan ng tube ang kanyang chest para i-drain ang blood sa kanyang baga.

“Vg Jolo Revilla is back in the ICU. He already has a tube to drain blood from his lungs. We were advised by the doctor to limit visitors to family members only.They were able to drain half liter of blood from his lungs. Pls continue to pray for him,” ang post ni Lani sa kanyang FB noong Linggo tungkol sa kondisyon ng anak.

We just hope and pray na bumuti na nang tuluyan ang kalagayan ni Jolo at hangad namin ang kanyang agarang paggaling.

vuukle comment

ALEX

INDAY BOTE

JOLO

KANYANG

PARANG

RIN

SHY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with