^

Pang Movies

Ex ni Meryll hindi totoo ang mga sinabi Erap galit pa rin kay Bernard, apo kay Jerika hindi pa rin kayang makita uli

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ayaw nang pag-usapan ni President Mayor Joseph Ejercito Estrada ang isyu tungkol sa relasyon ng anak na si Jerika kay Bernard Pa­lanca nang makapanayam namin sa induction ng bagong set of officers ng The Philippine Movie Press Club na pinamumunuan ko ngayon. Pero aminado ang butihing Mayor ng Maynila na hindi pa niya nakikita ang apo kay Jerika at contrary sa sinabi raw ni Bernard na ayos na siya kay Mayor. Nahalata ng mga kasamahan sa panulat na hindi kumportable si Mayor Erap na pag-usa­pan ang isyung ito. Mas vocal siya sa malungkot na estado ngayon ng film industry. Noon daw ka­sing kapanahunan nila ni FPJ ay nakakagawa siya ng 300 movies a year. Hindi katulad ngayon na bilang na bilang ang pelikulang ipinalalabas.

Komento pa ni Mayor Erap  maraming factor kung bakit nalugmok ang movie industry. Ilan diyan ay ang film piracy na hindi lang dito sa atin namamayagpag kundi sa buong mundo at ang high cost ng pagpo-produce  ng pelikula. Tapos ma­raming mga teleserye nang lumalabas  kung saan napapanood ang magagaling na artista natin. Libre nga naman napapanood ito kumpara sa mahal na ticket sa mga sinehan.

Pero umaasa si Mayor na makabangon muli ang film industry natin na maraming taong dito lang umaasa.

Gretchen bato na sa mga problema

Bilib kami kay Gretchen Barretto na sa mga pinagdaanan ­niyang unos ay ma­tagumpay niyang nalagpasan ang lahat. Isang matapang na babaeng may conviction ang aktres. Alam ko sa tagal ng panahon ay marami rin silang pinagdaanan ng kanyang live-in partner na si Tony Boy Cojuangco, pero sila pa rin.

Hindi man kasal, sa  tagal naman ng kanilang pagsasama ay matatawag na rin niya itong asawa.

Tanggap naman ng iba’t ibang antas ng society ang relasyon nila.

Samantala, balita namin ay ikinatuwa ni Gret­chen na nominado siya bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang The Trial sa 31st PMPC Star Awards For Movies na magaganap sa March 8 sa The Theatre @ Solaire at eere ito sa March 22 sa SNBO sa ABS-CBN.

Rochelle tigil-trabaho muna

Pahinga muli si Rochelle Pangilinan after ng Ang Lihim ni Anassandra teleserye although napapanood siya regularly sa Sunday All Stars. Sa ngayon ay focus din ang atensyon niya sa boyfriend na may karamdaman.

Nagpapagaling si Arthur Solinap after maoperahan ang tuhod. Kailangan daw alalayan si Arthur sa bawat kilos dahil kailangan buhatin ang isang tuhod na na-cast pa yata.

Gayun pa man ay nakakapag-taping daw si Arthur ng Pepito Manaloto at inaalagaan siya ng cast at production staff. Sobra ang pasasalamat ni Rochelle kay Michael V. sa pag-aalaga nila kay Arthur sa set.

Vice binubuhay ang bangkay!

Hindi namin nagustuhan na pilit na pinaaamin ni Vice Ganda si Karylle na nakaranas siya ng pagtataksil ng isang ex-boyfriend niya noong sila pa. Ito ay nangyari sa isang portion ng Showtime na hinihingan ng advice ng isang babae mula sa audience tungkol sa isang karelasyon na nag-cheat daw sa kanya. Imbes na siya ang sumagot ay si Karylle ang pinasasagot at pilit na pinaamin si Karylle na may karanasan din siya sa ganitong problema. Kahit hindi inamin ni Karylle kung sino ay paghihinalaang si Dingdong Dantes ang tinutukoy niya since siya lang naman ang alam ng lahat na nakarelasyon niya.

Matagal na panahon na ang naging relasyon nila at pareho na silang kasal ngayon sa kani-kanilang nakatuluyan kaya dapat kalimutan na ang nakaraang at ibaon na.

Masaya naman silang pareho sa nakatuluyan nila. Move on na please at ‘wag nang halukayin ang nakaraan.

vuukle comment

ANG LIHIM

ARTHUR SOLINAP

BERNARD PA

BEST SUPPORTING ACTRESS

DINGDONG DANTES

KARYLLE

MAYOR ERAP

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with