^

Pang Movies

Sariling ina, muntikan ng hatawin ng martilyo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tunghayan ang pag-ibig ng isang ina na naglalayong maibalik sa tamang landas ang anak na napariwara bukas, Lunes ng hapon (Mar. 2) sa Mission Possible.

Hihingi ng saklolo kay Julius Babao ang inang si Amethyst Villaruel na nawawalan na ng pag-asang magbabago ang anak na si “Angelo.” Simula kasi ng mabarkada ang binata sa ilang kabataan sa kanilang lugar ay nalihis na raw ito ng landas at natutong gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Dahil sa pagkalango nito sa droga kung kaya’t nagagawa niyang saktan ang mismong ina at minsan pa ay muntikan ng hatawin ng martilyo.

Sa kabila nito, umiiral pa rin kay Ginang Amethyst ang pagmamahal ng isang ina kaya naman gagawin pa rin nito ang lahat mailagay lang sa mabuti ang anak.

Mailigtas kaya ni Julius si Angelo at mailapit ang kanyang kaso sa isang rehabilitation facility?

Eh Di Wow Philippines! nilibot ni Jessica

Ang taong 2015, dineklara ng Department of Tourism bilang Visit the Philippines Year. Layunin nitong hikayatin hindi lang mga dayuhan kundi maging mga Pilipino na tuklasin ang ganda ng mahigit pitong libong mga isla ng bansa, kilalanin ang napakayaman nitong kasaysayan, at pagsaluhan ang mga pinagmamalaking putahe ng bawat probinsiya.

Kaya naman ngayong Linggo ng gabi, hatid ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang food at travel special na Eh Di Wow Philippines kung saan papasyalan ng program host na si Jessica Soho ang iba’t ibang magagandang lugar sa bansa kasama na ang ilan sa mga world class na pasyalan at kainan.

Unang pupuntahan ng KMJS ang Palawan kung saan maaring libutin ng mga turista ang mga luxury resort na dinadayo ng mga international celebrities sabay food trip sa mga exotic na pagkain dito.

Sa Aurora o sa Quezon naman matatagpuan ang masasarap na panghimagas sa rehiyon na masarap kainin matapos ang nakakapagod pero masayang island hopping.

Kakaibang bakasyon naman ang naghihintay sa Queen City of the South, ang Cebu, dahil mararanasan dito ang mga extreme adventure sa dagat, sa lupa at maging sa himpapawid.

Tikman ang pinakamasasarap na seafood dishes sa Panay island at alamin kung paano mae-enjoy ang pinakapatok ditong mga pas­yalan kahit sa loob lang ng 24 oras.

Tunghayan ang mga kuwento ng pag-ibig na nabuo sa paraiso ng Siargao at ma-in love sa mga masasarap na pagkain mula sa mga lokal na mga restaurant.  Saksihan din ang love affair sa durian at kalikasan ng Island Garden City ng Samal sa Davao.

Wansa tuturuan ng leksyon ang mga mapang-abuso

Masamang epekto ng pang-aabuso sa kapangyarihan ang ibabahaging aral sa TV viewers ng  Wansapanataym ngayong Linggo (Marso 1) sa pagpa­patuloy ng kwentong Remote ni Eric na pinagbibidahan nina Joel Torre, Cherry Pie Picache, Sue Ramirez, at Harvey Bautista.

Sa pagbabalik ng kanyang ama mula sa ibang bansa, mas lalakas ang loob ni Eric (Harvey) na gamitin ang magic remote control sa kanyang pamilya para makuha ang lahat ng kanyang gusto. Ano ang gagawin ni Eric sa oras na matuklasan ng kanyang mga magulang na mayroon siyang kapangyarihang kontrolin ang ibang tao?

Matututunan na ba niyang respetuhin ang buhay ng iba kapag naapektuhan na niya ang buhay ng kanyang sariling pamilya?

vuukle comment

AMETHYST VILLARUEL

ANGELO

CHERRY PIE PICACHE

DEPARTMENT OF TOURISM

EH DI

EH DI WOW PHILIPPINES

GINANG AMETHYST

JESSICA SOHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with