^

Pang Movies

Bea ayaw pa ring pahalik!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

This coming November 4, debut na ng Kapuso young actress na si Bea Binene. Kaya sa launch niya bilang endorser ng VeriFIT Slimming Capsule, biniro siya kung nagpapapayat na siya para sa pagiging dalaga na niya.  Hindi naman daw talagang pinaghahandaan, gusto lamang niyang maging fit na ayon sa kanyang age at biro pa niya, malalaki raw kasi ang kanyang mga braso at hita at ayaw nga sana niyang alisin ang blazer na suot niya dahil nahihiya siya pero napilit din siya.

Bilang isang artista, malaki raw ang naitutulong sa kanya ng VeriFIT dahil kumakain lamang siya kapag nakaramdam na siya ng gutom pero kumain man daw siya, konti lamang at busog na siya.  Ikinuwento pa niya na once a day lamang siya nagti-take ng slimming capsule na may L-Carnitine na nakapagli-limit ng fats at collagen na tumutulong sa ­aging at smooth skin.

Ang new endorsement ni Bea ay mula sa Taichi Health & Welness at distributed ng Rhodesian Distributor ni Chester Dy, launched at Tweeple Book Cafe in Scout Gandia na napaka-homey ang ambiance.  Masarap ang food na handa ni Chef Paolo Cantor.

If nakuha na ba ni Bea ang desired weight niya, sasabak na siya sa mature roles at magpu-pose na siya sa men’s magazine.  Wala raw iyon sa pangarap niya pero ayaw din niyang magsalita nang tapos.  Sa mature roles, hindi pa rin siya papayag ng kissing scenes sa lips, hanggang cheeks pa rin lamang siya, may limitations pa rin siya.

Nadulas si Bea nang tanungin siya tungkol sa relasyon nila ni Jake Vargas ngayon.  Inamin niyang may third party sa break-up nila na siya ang nag-initiate.  Nag-uusap pa rin daw naman sila, they are both professionals pagdating sa trabaho and they are enjoying naman ang sari-sarili nilang buhay nga­yon.  Ni-request niya sa mga entertainment press na sa kanila na lamang ni Jake anuman ang na­magitan tungkol sa break-up nila.

Wala pa siyang bagong soap sa GMA-7 but she is now producing an indie film/documentary, ang Dinggin, na tungkol sa climate change na parang isang advocacy na rin sa kanya.  Nasa Pepito Manaloto tuwing Saturday si Bea at sa Vampire ang Daddy Ko every Sunday at sa Good News with Vicky Morales sa GMA News TV.

Kapuso stars rarampa sa panagbenga

Summer na nga at ramdam na ang init ng panahon ngayon.  Pero sa Baguio City, malamig pa rin ang panahon pero ngayon ay pinaiinit ng napakaraming taong dumayo roon para sa taunang Panag­benga Festival. Hindi lamang ang parade ng 16 floats full of flowers ang makikita roon, kundi ang napakarami ring artistang nagpasaya sa kanila sa mga Kapuso shows tulad nina Max Collins, Dion Ignacio, Empress Schuck, at Geoff Eigenman ng Kailan Ba Tama ang Mali? at sina Barbie Forteza, Andre Paras at Thea Tolentino ng The Half Sisters. Magkakaroon ng live coverage ang GMA Network ng parade at Kapuso ng Panagbenga 15 at mapapanood ito sa March 15.

vuukle comment

ANDRE PARAS

BAGUIO CITY

BARBIE FORTEZA

BEA

BEA BINENE

KAPUSO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with