^

Pang Movies

Fans nire-request ang love triangle nina Piolo-KC at Paulo

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Promise ni Piolo Pascual kay Sarah Geronimo na hindi siya ang tipo ng mangangagat o mananakot para hindi na siya i-po at i-opo ng Pop Princess. Hindi naman masisisi ni Piolo si Sarah dahil natural na magalang ang singer/actress kahit kanino.

Kaso naiilang si Papa P dahil malakas daw makatanda ang sobrang paggalang sa kanya ni Sarah. Kailangan lang daw ay mag-break ng ice sa pagitan nila para sa una nilang pagsasamahang movie sa Star Cinema.

Challenge tuloy kay Papa P na magmukha siyang bata na ka-level ni Sarah. Mabuti na lang at guwapo pa rin ang isa sa tinaguriang heartthrob ng Kapamilya network.

Samantala, mula nang magbati sina Piolo at KC Concepcion ay walang tigil ang kantiyaw ng kanilang fans. Nabuhay ang kanilang ilusyon na kahit daw sa isang project ay pagsamahin silang dalawa tutal naman ay okey na ang ex-lovers.

Panay din ang post nila ng mga throwback picture nina Piolo at KC lalo na ang mga sweet moments ng dating magd­yowa. With matching post din ng lyrics na “pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa” na wish ng fans na magkabalikan ang dating lovers kahit man lang daw on-screen.

Nagkaroon tuloy ng dahilan ang mga hindi boto kay Paulo Avelino na asarin ang sinasabing dyowa ni KC sa pagli-link muli kay Piolo sa aktres. Malakas din naman ang support ng mga maka-Paulo team na dedmahin daw ang haters nito lalo’t maganda na naman ang role niya sa bagong project sa ABS-CBN na Bridges of Love.

Ang ending, game na game ang kanilang fans sa love triangle ni KC para sa dalawang Papa “P” ng kanyang buhay na sina Piolo at Paulo na puwede nga naman pagsamahin sa isang project. Tiyak na magiging swak ito sa mga intrigerong fans.

vuukle comment

BRIDGES OF LOVE

PAPA P

PAULO

PAULO AVELINO

PIOLO

PIOLO PASCUAL

POP PRINCESS

SARAH GERONIMO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with