^

Pang Movies

Bea nagbabawas na ng taba!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalaga na si Bea Binene! Conscious na rin siya sa pagpapayat para mawala na ang kanyang baby fats. Eh, umakma tuloy ang bago niyang endorsement na slimming product na VeriFIT kaya inspirado siyang abutin ang ideal weight niya once sumapit na siya ng 18 this November.

Dahil nga sa pag-take ng VeriFIT, nawawalan ng ganang kumain si Bea. Pero wala naman daw epekto ito sa kalusugan niya.

“Nararamdaman mo naman ‘yung gutom eh. Kunwari, gutom ka na, kumain ka na. Pero ‘yung craving mo, matikman mo lang ng isang subo, tapos ka na. Parang okey ka na. Hindi ka na ‘yung kakainin mo lahat. Hindi ka ‘yung takaw-mata!” rason ni Bea sa press launch niya at ng produkto na distri­buted ng Rhodesian Distributor ni Chester Dy.

Kung meron siyang gustong mabawasan ng timbang, “’Yung braso at hita ko po! Ha! Ha! Ha!”

Eh once ba ma-achieve niya ang timbang na gusto niya’t sumeksi na siya, puwede na ba siyang maging cover ng men’s mag?

“Wala po sa pangarap ko!” diin ng Kapuso teen actress.

Wala pa siyang naiisip na gawin sa kanyang debut this November. Mas gusto raw kasi niyang mag-travel.

“Ang GMA Artist Center po ang nag-aayos. Pero ‘yung sa amin, baka puwedeng mag-travel na lang. Basta may nakitang murang airfare! Ha! Ha! Ha!” dahilan niya.

Bati na ba sila (ni Jake Vargas)?

“Nino po? Ha! Ha! Ha!” tanong ni Bea.

Alam naman ni Bea kung sino ang tinutukoy sa tanong. Kaya naman, nagbigay din siya ng pahayag tungkol kay Jake?

“Siguro, doon na lang tayo sa part na ini-enjoy namin ang sari-sariling buhay! May sense ba ang sinabi ko? Meron naman, ‘di ba? ” deklara ni Bea.

Kahit nag-aartista, tinatapos din ni Bea ang high school niya. Tinutulu­ngan siya ng school niya ngayon upang matapos na ang high school para makapasok sa college next school year. Gusto niyang kumuha ng Mass Communication na walang mathematics.

Habang wala pang regular na series sa GMA, tinatapos ni Bea ang isang indie/documentary na Dinggin kung saan siya ang producer.

“Climate change awareness po siya. Parang about sa…Ang title niya is Dinggin. Parang Dinggin ang Puso ng Mundo. Parang something na advocacy na para pansinin ninyo kami. ‘Yung parang hindi laging napapansin ng government,” saad ng teen actress.

Kahit malala ang trapik Kathryn at Daniel kinuyog ng fans, pelikula naka-P32-M sa unang araw!

Grabe naman ang kinita ng Crazy Beautiful You.  Ac­cord­ing to Star Ci­nema, P32-M ang box-office take nito nu’ng first day kesehodang kandaletse-letse ang traffic papuntang SM Megamall at Robinson’s Ortigas dahil sa People Power celebration, huh!

Well, good for Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Puwede nang sabihin na hindi lang siya TV attraction kundi box-office attraction din, huh! At hindi rin lang sila pang-social media, huh!

Napag-iwanan na ni Kathryn si Julia Montes at si Daniel naman, pasado na ang hatak sa takilya, huh! Puwes, malalaman natin sa next movie nina James Reid at Nadine Lustre kung magagawa nilang lampasuhin ang kinita ng CBY, huh!

vuukle comment

ARTIST CENTER

BEA

BEA BINENE

CHESTER DY

DINGGIN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with