^

Pang Movies

Drama actor pahada sa mga bading para may panggastos sa pambababae!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagkuwento ang isang drama actress sa raket ng kanyang dating kinakasamang boyfriend na isang drama actor kung bakit ito laging maraming pera at nagkapagtayo ng sariling negosyo.

Sanay daw kasing maging boy toy ito ng mga mayayamang bading kaya minsan ay bigla na lang daw itong nawawala at magpapakita na lang sa kanya pagkatapos ng isang linggo. Laging rason nito ay negosyo ang inaasikaso niya.

Kahit hanggang ngayon daw at hindi na ito bagets, nababalitaan pa rin niyang may mga kasamang mayayamang bading ang drama aktor. Type pa rin siya lalo na’t nagkaedad ito.

Maalaga kasi sa katawan ang ex-bf ni drama actress. Lagi itong nasa gym at maingat sa kinakain. Maalaga rin ito sa kanyang mukha at panay ang pagpunta sa derma. Ang maganda pa ay hindi numinipis ang buhok nito.

Sa pananamit ay wala naman din masabi si drama actress dahil mahusay din itong magdamit. Marami kasi itong naging jowa na designer at nalilibre pa sa mga damit.

Kaya ang mga bading na businessmen ay baliw na baliw pa rin sa drama actor dahil laging mainit pa rin daw ang katawan at open sa pagiging ma­eksperimento nito.

Satisfied sila sa performance nito kaya hindi bumababa ang rate ng drama aktor kahit na hindi na ito kabagetsan.

Pero in fairness naman daw sa drama actor, may mga babae pa rin itong nabobola. Kasama lang daw sa lifestyle niya ang magpagamit sa mga madadatung na bading para may panggastos siya sa mga babaeng dine-date niya.

Dennis siguradong dadalo sa debut ni Julia?!

Marami ang natuwa nang makumpirmang nagkaayos na ang mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto.

Nag-post sa Instagram account niya si Julia ng photo na magkasama sila ng kanyang ama. Ang caption nga ay: “Papa being his comedian self.”

Marami ang nag-comment sa photo na ito ni Julia at Dennis at ikinatuwa ng followers ng batang Barretto ang pakikipag-ayos nito sa kanyang ama.

Kung matatandaan ay naglabas noong nakaraang buwan ng sentimiyento niya si Dennis dahil inisnab siya ni Julia sa isang showbiz event noong December 2014.

Nakatanggap ng maraming hindi magandang comments si Julia dahil wala nga raw itong respeto sa kanyang ama.

Ipinagtanggol naman siya ng ina nitong si Marjorie Barretto at sinabing kaya hindi lumapit si Julia kay Dennis ay dahil natatakot daw ito sa kanyang ama.

Nagkaroon ng mainit na sagutan sa pagitan nila Marjorie at Dennis tungkol dito, pero ang sinasabi ng karamihan sa social media, kahit anong mangyari ay dapat si Julia ang magpakumbaba at humingi ng sorry sa kanyang ama.

Nangyari na ang hinihintay ng marami at tamang-tama dahil magtu-turn 18 years old na si Julia sa March 10.

Kaya malinaw na makikita si Dennis sa debut ng kanyang anak kahit na may kung anong alitan pa sila ni Marjorie.

Chris Brown hindi pinapasok sa Canada!

Denied entry sa Canada ang R&B singer na si Chris Brown kaya kanselado ang kanyang mga concerts sa Montreal at Toronto.

May kinalaman rito ang 2009 assault case niya sa ex-girlfriend na si Rihanna.

Naglabas na ng statement ang concert producer ni Brown na Live Nation na cancelled na ang concert nito “due to immigration issues”. Makakasama pa naman sana ni Brown sa concert ang R&B artist na si Trey Songz at ang rapper na si Tyga.

vuukle comment

CHRIS BROWN

DAW

DENNIS

DRAMA

JULIA

KANYANG

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with