^

Pang Movies

Kakapalan ng mukha gustong ipamana ni Gretchen kay Julia

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ewan kung totoo ha. Inaamin naman namin na narinig lang namin ang tsismis na ito. Iyon naman daw palang alitan ng magkapatid na Gretchen Barretto at Marjorie Barretto ay hindi lamang nag-ugat sa sinasabing pagpuri ni Gretchen at sinasabing maaaring kasunod na big star ng network na si Liza Soberano. May lumalabas pang istorya na si Gretchen daw ay nag-comment pang ang paniwala niya, ang talagang batch ng stars ng network sa ngayon ay sina Liza nga, Janella Salvador at Kathryn Bernardo.

Iyong pagpuri ni Gretchen kay Kathryn, expected naman iyon dahil may pelikula silang inilabas. Hindi naman siguro dapat na masamain iyon ng kanyang kapatid o ng kanyang pamangkin, dahil natural lang naman sa mga artista ang tumulong kung papaano niya maipo-promote ang sarili niyang pelikula. Hindi nila dapat kalimutan na si Gretchen ay isa ring artista na may sariling mga pelikula at TV shows. At nagkatrabaho na sila ni Kathryn.

Pero may iba ngang tsismis. Diumano sa isang gathering kung saan naroroon ang kanyang pamangking si Julia Barretto, nagsabi si Gretchen na dapat naroroon din ang amang si Dennis Padilla para magkausap sila at magkasundo. Minasama raw iyon ni Marjorie, dahil alam naman natin na gusto nga niyang alisin na ang apelyido ni Dennis sa kanilang naging mga anak.

Hindi pa nagkakaayos sina Gretchen at Marjorie pero nagbigay ng payo si Gretchen na gusto niyang manahin ng pamangking si Julia : Matatag na puso at kapal ng mukha ang kailangan natin sa industriyang ito. ‘Yan ang mayro’n ako na gusto kong ipamana sa kanya.”

Aljur walang-wala nang kredibilidad

Matapos ang maraming buwan simula nang idemanda ni Aljur Abrenica ang GMA Network, noong isang araw lang kami ulit nakakita ng interview niya na lumabas sa nasabing istasyon. Kung natatandaan ninyo, nagdemanda si Aljur para makakawala sa kanyang kontrata sa GMA Network dahil sinabi niyang walang ginawang proyekto ang network kundi iyong paghubarin siya at pakantahin pa ng mga kantang may double meaning. Inakusahan niya ang network na walang concern sa kanyang career bilang isang artist, sa kabila ng sunud-sunod na proyektong ibinigay noon sa kanya. All the while, tahimik lang ang GMA network.

Kaya nga natawa kami sa kuwento na payag si Kylie Padilla na makasama sa proyekto ang dating boyfriend. Pero bago iyan, narinig na rin naming nakikipag-negosasyon na si Aljur na makabalik sa network niya. Nahirapan din siguro siya sa ilang buwang wala siyang trabaho kundi sa mga maliliit na personal appearances sa mga fiesta sa probinsiya. Iyon sigurong inaasahan niyang pag-aagawan siya ng ibang networks ay hindi naman nangyari. Iyong mga nagsabi sa kanyang may ibang network na interesado sa kanya ay nangawala rin.

Wala na ngang choice si Aljur kundi ang magbalik sa kanyang network, pero nakakahiya kasi kung anu-ano na ang sinabi niya noon eh.

Kaya lang, nasaan ang kredibilidad?

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

DENNIS PADILLA

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

IYON

IYONG

JANELLA SALVADOR

NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with