^

Pang Movies

Suso na lang daw ang pag-usapan Rufa Mae nawalan na ng puso!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Opening salvo ni Rufa Mae Quinto para sa taong 2015 ang 4 Da Best + 1 concert kasama sina Ate Gay, Gladys Guevarra, at Candy Pangilinan. Aminado naman siyang medyo nag-lie low siya last year at hindi siya napagkikita dahil nga nagkaroon daw siya ng health problems.

Matatandaang nagkaroon ng cyst sa kanyang boobs si Peachy (nickname ni Rufa Mae) last year at ipinaopera niya ito. Thank God at benign naman ang resulta at hindi cancerous kaya naman nakahinga na rin siya nang maluwag eventually.

Natutuwa naman daw siya at kahit pa-relax relax lang ay may dumarating na offer sa kanya tulad nga nitong 4 Da Best + 1 kaya sa presscon last Wednesday para sa nasabing concert, she promised na magiging active na talaga siya this year.

Kahit sa GMA-7 ay hindi ma­syadong napagkikita si Peachy since last year. Pero aniya ay wala raw ­siyang balak lumipat dahil happy siya being a Kapuso.

“May mga nagsasabing, “bakit hindi ka lumipat?” ganyan-ganyan, sabi ko, “ba’t ako lilipat, eh ang ayus-ayos naman ng ganap namin doon sa GMA-7,” ‘di ba? Hindi naman ako nauubusan ng projects, ng offers, kaya lang hindi ako lumabas nung mga nakaaran dahil nga nagkaroon ako ng health problems, ‘di ba?”

Nakumusta rin kay Peachy ang lagay ng puso niya ngayon at aniyang natatawa, “ewan ko nga kung ano na nga ba.”

Dagdag niya, “sa suso na nga lang, nawala na yata ‘yung puso ko. Kaya nga, magso-show na lang ako, 4 Da Best, for the betterment of my life.”

So, loveless siya?

“May nagmamahal naman pero hindi pa confirmed, ‘yung enjoy-enjoy stage ka lang. ‘Di ba, kailangan, may confirmation,” natatawa niyang sabi.

Maging ang pagpo-produce ay naisantabi ni Peachy pero binabalak daw niyang mag-produce ng malaking anniversary concert niya this year as she celebrates her 20th in show business.

But for now, dito muna siya sa 4 Da Best + 1 naka-focus dahil gaganapin na ito sa March 13 and 14 sa Music Museum mula sa direksyon ni Andrew de Real.

For tickets, you may call SM Tickets at 4702222 and Ticket World at 8919999.

Rayver pinagdarasal ang anak ni Cristine

Sa mga cast ng Two Wives, sina Rayver Cruz at Daniel Matsunaga ang walang love life dahil as we all know, si Patrick Garcia ay ikakasal na sa fiancée na si Nikka Martinez sa Marso. Si Kaye Abad naman ay may bagong boyfriend ngayon sa katauhan ni Paul Jake Castillo na ex-boyfriend ni Melissa Ricks. Si Erich Gonzales naman ay happy sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend at si Jason Abalos naman ay may Vickie Rushton.

Say ni Rayver, kapag nakikita raw niya ‘yung apat na masaya sa kani-kanilang love life, he wishes na matagpuan na rin daw niya ang babaeng mamahalin. Pero wala pa raw talaga sa ngayon.

Ang huling girlfriend ni Rayver ay si Cristine Reyes na ngayon ay certified mommy na dahil kapapanganak lang nito recently to a baby girl na si Amarah.

When asked kung ano ang ma­sasabi niya na mommy na si Cristine, say ni Rayver, “actually, na­tuwa po ako eh, dahil kami naman ni Cristine, sobrang magkaibigan naman kami and bago pa man lu­mabas ‘yung balita na buntis ­siya, two weeks before, nakita ko siya, nakausap ko siya sa ASAP and nasabi naman niya sa akin kasi, ganu’n naman kami sa bawat isa, kapag nagkikita kami, magkaibigan pa rin kami pag nag-uusap kami.”

Dagdag pa ni Rayver, he’s so happy for Cristine.

“Alam ko, ever since, gusto niya talaga, pagda­ting niya ng ganitong edad, magkaroon na siya ng fami­ly, ‘yun ‘yung gusto niya, and parang nanay na siya sa mga pamangkin niya and nakikita ko, wife material talaga siya, so I’m very happy for her and nakita ko naman sa mga Instagram posts niya na sobrang happy siya, so ‘yun ‘yung okay.

“Although ‘yung baby yata, parang seven months pa lang, pero pinagpe-pray naman naming lahat and kaya naman niya, basta two months pang nasa ano (incubator). ‘Yun,” say pa ng aktor.

vuukle comment

ATE GAY

CRISTINE

DA BEST

NAMAN

NIYA

RAYVER

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with