^

Pang Movies

Pinairal ang pagiging tsismosa Bianca Gonzales pinuna pati ang sneakers ng French actress na si Marion Cotillard

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tsismosang-tsismosa lang ang peg ni Bianca Gonzalez sa kanyang tweet na nakita si Marion Cotillard na taking down notes habang nakiking sa climate change session at sneakers daw ang suot ng French actress na naririto ngayon sa ating bansa.

So what kung naka-sneakers si Ma­rion, eh tao rin naman siya?

Ngayon ang second day ng pagbisita ni Marion sa Pilipinas, kasama si France President Francois Hollande na may malasakit sa mga biktima ng Typhoon Yolanda.

Bibisita sina Hollande at Marion sa Eastern Samar para personal na tingnan ang perwisyo na iniwan ng Typhoon Yolanda sa ating bansa.

Si Hollande ang pangalawang sikat na personalidad na dadalaw sa Typhoon Yolanda victims ngayong 2015. Nauna nang bumisita sa Leyte si Pope Francis noong nakaraang buwan.

Marion Cotillard humanga at naka-concentrate sa pakikinig ng lecture ni Sen. Loren

Si Senator Loren Legarda ang isa sa mga speaker sa Climate Change forum.

Expert na si Mama Loren sa isyu ng climate change kaya humanga sa kanya ang mga bisita natin mula sa France. Hindi matatawaran ang kaalaman ni Mama Loren tungkol sa climate change at alam ko ang sinasabi ko dahil sa maraming beses na pagpapatawag niya noon ng presscon para i-share sa entertainment press ang kanyang mga nalalaman at natututunan. Ginagastusan ni Mama Loren ang pagpunta niya sa iba’t ibang bansa para dumalo sa mga climate change seminar and forum.

Anyway, napansin ang ser­yoso na pakikinig ni Ma­rion sa mga sinasabi ni Mama Loren at ito ang tunay na news, hindi ang pagsusuot niya ng sneakers.      

Startalk pipiliting kunin ang panig ni Dennis

Susubukan ng Startalk na kunin ang panig ni Dennis Padilla tungkol sa pagkakasundo nila ng kanyang anak na si Julia Barretto.

I’m sure, happiest father on earth si Dennis dahil nagkabati na sila ng kanyang eldest daughter na turning 18 years old sa susunod na buwan.

Tiyak na aabangan ang pagdalo ni Dennis sa party ni Julia dahil ito ang bihirang pagkakataon na magkikita sila ng kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto.

Kung matatandaan ninyo, ang Startalk ang naglabas ng interbyu kay Dennis na masamang-masama ang loob dahil pinapalitan ni Julia ng Barretto ang kanyang apelyido na Baldivia. Umapela sa korte si Dennis kaya pipilitin ng Startalk na alamin ang estado ng kanyang appeal.

Aljur opisyal na ang pagsuko sa GMA

Hindi shocking ang balita na balik-Kapuso Network si Aljur Abrenica dahil sa higpit ng kanyang kontrata na pinirmahan, imposible na mapawalang-bisa ito at mangyari ang pangarap niya na makapag-ober da bakod sa ibang TV station.

Sa 2017 pa ang expiration ng GMA-7 contract ni Aljur at matagal-tagal pa ‘yon. Dalawa lang ang kanyang choice, ang bumalik sa Kapuso Network o hintayin na mag-expire sa 2017 ang kontrata niya na walang kasiguraduhan dahil ang GMA-7 ang may first option to renew.

Tama lang ang desisyon ni Aljur na bumalik or else, tuluyan na siyang makakalimutan ng publiko. Marami ang mga baguhang artista na nagsusulputan, lalo na ngayon na malapit nang magsimula ang bagong season ng StarStruck.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

KANYANG

MAMA LOREN

MARION COTILLARD

STARTALK

TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with