^

Pang Movies

Judy Ann ipinagtanggol ang karapatan bilang Pilipino

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Si Judy Ann Santos naman ang tinatalakan ngayon ng mga “you know who” dahil sa kanyang paglalabas ng saloobin noong isang araw sa pama­magitan ng kanyang social networking account, sa nangyari sa 44 na magigiting na pulis na na-massacre sa Mamasapano.

Ginagawa pang issue iyong kesyo si Juday daw ay “i-unfollow” na ng kung sinong siguro sa tingin nila ay kung sinong reyna nga. Pero ano ba ang pakialam doon ni Juday? Tama lang na mag-unfollow sila kung hindi nila gusto ang mga opinion ni Juday. Karangalan ba ni Juday ang kanyang “pag-follow”?

Mabilis namang sumagot si Juday na nagsabing “karapatan ko bilang Pilipino na masabi kung ano ang aking nararamdaman sa isang issue na may kinalaman tayong lahat. Hindi lang ako, pero marami pang ibang public figures na nagpahayag din ng kaparehong damdamin.”

Tama si Juday. Basic rights ng bawa’t mamamayan na magpahayag kung ano ang kanyang kalooban. Iyan ay isang constitutional right. Bukod diyan, ang isang tao ay mayroong moral na obligasyon na sabihin kung ano ang tama. Kung ano ang pinaniniwalaang tama ng isang tao, kahit na iyon ay pilit na itinatago o binabaliktad ng iba, ay karapatan niyang sabihin. In fact, dapat niyang sabihin kung ano ang inaakala niyang tama. Iyon ay katungkulang moral ng bawa’t tao at isang karapatan na ibinibigay ng konstitusyon ng ating bansa. Kung ayaw ninyo ng ibang opinion, isulong na nga ninyo ang cha-cha at alisin ninyo ang constitutional guarantee sa freedom of speech.

Ang mga social networking sites ay talagang binuksan para malaman ang opinion ng nakararami. Eh ‘di sundan ninyo at basahin kung ano ang gusto ninyo. Kung ayaw ninyo, huwag ninyong sundan.

Aywan, kami hindi namin “friend” si Juday sa aming social networking account. Ang “friend” namin ay ang ermat niyang si Mommy Carol Santos. Madalas kasi nagkakaisa kami ng opinion eh, at saka devotee rin siya ni Santo Padre Pio. Pero sa totoo lang, hinahanap na namin ang account ni Juday. Gusto naming magpadala ng “friend request” na hindi namin karaniwang ginagawa.

Richard matapang sa naging opinion sa Fallen 44

Naniniwala kami at hanga kami sa lakas ng loob at opinion ng actor na si Richard Gomez nang maglabas naman siya ng isang itim na ribbon, tanda ng kanyang pakikiramay sa SAF 44. Kasabay noon ang kanyang opinion na itigil na muna iyang peace talks, dahil wala ring mangyayari riyan.

Tama rin ang sinasabi ni Goma. Iyon din ang kahilingan ng maraming Obispo, hindi lamang mga obispong Katoliko kundi maging obispo ng iba ring sekta. Papaano ka nga naman makikipag-usap ng kapayapaan sa mga taong mukhang ayaw naman talaga ng kapayapaan?

Palagay din namin dapat itigil na natin ang mga pagkilos para sa “personal glory” at ang isipin natin ay ang pagtatamo ng kapayapaan sa mahabang panahon. Marami tayong mga kababayan sa Mindanao na hindi naman kasama sa mga rebeldeng iyan, iyon ang pakinggan natin hindi ang mga mamamatay tao.

Ang pagpatay ng tao ay isang krimen, at kasalanan hindi lang sa batas kundi maging sa pananampalatayang Kristiyano at maging sa Islam. Hindi iyan kinukunsinti.

vuukle comment

ANO

ISANG

IYON

JUDAY

KUNG

MOMMY CAROL SANTOS

TAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with