^

Pang Movies

Nagsalita na ng tapos Annabelle ayaw na uling kumandidato sa susunod na eleksiyon

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bukas ang libing ng yumaong kapatid ni Annabelle Rama, si Basak-San Nicolas, Cebu City Barangay Captain George Rama.

Binalak ni Bisaya (paboritong tawag sa Gutierrez matriarch) na tularan ang kuya niya nang kumandidato siyang representative ng North District ng Cebu City noong 2013 elections.

Naging city councilor din kasi ng Cebu City si George pagkatapos ng ilang terms nito bilang barangay captain at saka bumalik sa pagiging chief ng Basak-San Nicolas.

Kinausap na si Bisaya ng pinsan niyang si Cebu City Mayor Michael Rama kung ano na ang plano niya sa 2016 elections – kung muli ba siyang kakandidato sa pagka-representative pagkatapos niyang mabigo sa una niyang try sa pulitika?

Kahit matindi ang clamour na muli siyang kumandidato, nagdeklara na si Bisaya na pababayaan na niya sa ibang mga ka-partido ni Mayor Rama ang posisyon na ‘yon.

“Mahirap din kasi sa pulitika, ngayon ko na-realized, kapag sikat ka, delikado ka rin!” makahulugang pahayag ng misis ni Eddie Gutierrez.

Idinagdag din ni Bisaya na hindi man siya nakapuwesto sa lugar nila sa Cebu City, puwede pa rin naman siyang makatulong sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng ilang mga proyektong binabalak niya.

“Siyempre, nakita ko rin naman ang hirap ng mga kababayan ko sa Cebu noong mag-campaign kami. May mga proyekto naman akong binabalak. Puwede rin naman akong makatulong sa kanila kahit hindi ako maging congresswoman. Nandiyan naman si Mayor Mike, puwede naman ako to coordinate with him kapag may mga gusto akong gawin na makakatulong sa mga kababayan namin,” pahayag pa ni Bisaya.

Ang mga anak ni Bisaya, lalung-lalo na sina Ruffa, Richard, at Raymond ay natuwa sa pahayag ng ina na hindi na siya kakandidato pa sa 2016 elections.

Martin mas gustong magtrabaho kaysa mag-celebrate sa mismong kaarawan

Birthday ni Martin Nievera sa Huwebes. 53 years old na ang original Concert King.

Kung si Martin ang masusunod, ayaw niyang magkaroon ng birthday party. Pero hindi naman niya solo lang ang araw na ‘yon, may twin-sister siya, si Vicki, kaya ngayong bumalik na ito sa bansa pagkatapos ng matagal na panahong paninirahan sa Las Vegas, Nevada, walang choice ang singer kundi ang magkaroon ng birthday celebration ka-share ang kanyang twin-sister.

Sabi ni Martin, napapagod lang daw siya kapag may birthday party dahil siya na ang nag-e-entertain, naghahanda, pero pagod lang siya palagi at ni hindi nakakakain.

Sa pag-aasikaso lang daw sa mga bisita, ubos na ang oras niya.

“Ang ending, I just pay for everything, pero ni hindi ako nakakakain dahil busy sa pag-e-entertain sa guests,” sey niya.

Dagdag pa ni Martin, mas gusto pa niyang magtrabaho na lang sa araw ng birthday niya at sa iba pang important occasions.

“Like New Year’s eve, Valentine’s day and other important events, mas gusto ko to work na lang,” sabi niya.

Ngayong Huwebes nga, nasa Cebu City si Martin para mag-show sa Grand Convention Center Cebu. Bale two-night concert ‘yon at Sabado na siya babalik ng Maynila para mag-promote sa It’s Showtime ng two-night MOA Arena Valentine’s concert nila nina Regine Velasquez-Alcasid, Lani Misalucha, at Gary Valenciano, ang Ultimate.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ARENA VALENTINE

BASAK-SAN NICOLAS

BISAYA

CEBU

CEBU CITY

CEBU CITY BARANGAY CAPTAIN GEORGE RAMA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with