^

Pang Movies

Enchong dapat i-reinvent ang sarili para hindi mapag-iwanan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  May fans naman pala si Enchong Dee, huh! Imagine, gold record agad ang una niyang sabak sa pagkanta kahit na nga hindi masyadong pulido ang boses niya bilang singer, huh! Ibinigay sa young actor ang plaque na pruweba ng malaking benta ng album ni Enchong sa ASAP 20 kahapon.

Buti naman at napasok sa pagkanta ang young actor. At least, meron siyang ibang career na pinasok, huh! Sa ngayon kasi, wala kaming nababalitaang bagong teleserye niya. There was a time na isa siya sa most prized new actors ng Kapamilya Network.

Nakakapanghinayang, dahil short lived lang ang kanyang pagiging leading man. Mabait pa naman na bata si Enchong lalo na sa press.

I-reinvent kasi ni Enchong ang sarili niya. Isang pasabog ang kailangan niya upang hindi siya mawala sa scheme of things ng publiko, huh!

Jake at Bea nagdarasal na maganda ang kalabasan ng kanilang pelikula

Walang malinaw na sagot sina Jake Vargas at Bea Binene sa kasalukuyang estado ng relasyon nila, pawang, “Okey kami (ni Jake)!” ang consistent niyang pahayag.

“Mahirap i-put into words. Basta kung anuman kami ngayon, okey kami. Ano? Siguro nasa panahon lang ‘yan. Kung anuman ‘yon maaayos din ‘yan personally. Kung anuman…Maayos din ‘yan kahit anong way. Basta okey kami,” diin ni Bea sa presscon ng movie nila ni Jake na Liwanag sa Dilim ng APT Entertaiment.

“Agree na lang ako sa kanya (Bea). Opo, may pinagdaraanan kami ngayon pero okey kami! Pero gusto ko siyempre ng happy ending!” say naman ni Jake.

Ginamit ang asawang government official Female showbiz personality nag-helicopter para ‘di ma-late sa appointment!

Ginamit talaga ng isang female showbiz personality ang resources ng asawang government official upang makarating sa oras sa kanyang apppoinment sa isang probinsiya sa north.

Eh, isang oras na lang ang natitira upang makarating siya sa takdang oras ng usapan. Kahit paharurutin ng driver niya ang sasakyan, late pa rin siya makakarating sa appointment.

Kaya naman, nang may nag-suggest sa female celeb na sumakay sa helicopter, aba, nagkaroon ng idea ang celeb at isang tawag lang sa dyowa, presto! Nakasakay na siya sa chopper at dumating on time sa lakad, huh!

 

vuukle comment

ANO

BEA

BEA BINENE

BUTI

ENCHONG

ENCHONG DEE

GINAMIT

JAKE VARGAS

KAPAMILYA NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with