^

Pang Movies

Eula iniwan na ng BF, sa Amerika na rumaraket!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming projects ang inilatag ng GMA 7 kay Eula Valdez after Illustrado pero ‘yung hindi nila inaasahan ang kanyang pinili. Ito ay ang guest role sa The Half Sisters na napapanood araw-araw after Eat Bulaga.

Ayon sa award winning actress ay gusto niyang makatrabaho muli si Direk Mark Reyes na una niyang naging director sa GMA sa teleseryeng Kamandag. Excited din siyang makasamang muli si Jean Garcia.

Matatandaan na sila ni Jean ang pinag-usapan noon sa Pangako sa ‘Yo sa ABS-CBN kung saan sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales ang magmaka-loveteam. Alam din ni Eula na number one ang The Half Sisters at marami ang tumututok dito.

Malalaki na ang mga anak ni Eula. Isang 20 year old na lalaki na film ang pinag-aaralan sa La Salle. Gusto rin nitong pasukin ang showbiz na ubod daw ng guwapo at kayang makipagsabayan sa mga artista natin ngayon.

‘Yung isa pa niyang anak na babae ay artistic naman at suportado ng ama na naka-base sa Australia. ‘Yung panganay na lalaki ay anak ni Ronnie Quizon.

Pagdating naman sa lovelife ay okay daw si Eula at kasalukuyang nasa US ang live-in partner na si Rocky Salumbides. Nasa US pala ang mga magulang ni Rocky at nandun ang BF since November at babalik daw ito sa March. Matagal nang walang project si Rocky at may mga raket yata sa US.

Mercator nilalayasan ng mga alaga

Bakit ba nag-aalisan ang mga talent sa talent agency na Mercator ni Jonas Gapud. Ang pinakahuli ay si Ervic Vijandre na noon pa palang November lumipat sa GMA Artist Center. Hindi naman kinaiinggitan ni Ervic sa sobrang atensyon ng Mercator kay Daniel Matsunaga. Sa tingin ni Ervic ay mas sa mga model at beauty titles naka-focus ang Mercator at siya naman ay sa pag-aartista naka-focus. Kaya laking tuwa niya nang pumirma ng kontrata sa  GMA Artist Center at nabigyan agad siya ng role sa Kailan Tama ang Mali.

Hindi naman daw sumama ang loob ng Mercator nang hindi siya pumirma sa contract renewal at maayos siyang nagpaalam sa kanila.

Pancho malaki ang improvement sa acting

MALAKI ang improvement ni Pancho Magno pagdating sa acting. Dati ay pinagtatawanan ng iba ang kanyang pag-arte. Pero sa Ang Lihim ni Anna­sandra ay marami ang nakapansin at tinatanong kung saan daw ito humuhugot sa tama niyang pag-arte bilang kontrabida sa nasabing teleserye. Maski pala si Pancho ay hindi sukat akalain na magagawa niya ang mahirap na role na ipinagkatiwala sa kanya. Maski mga kapamilya niya ay pinupuri siya. Ang mga ito ang kritiko niya sa mga role  na ginagawa niya sa mga teleseryes.

Si Pancho ang boyfriend ni Max Collins pero wala pang direktang pag-amin mula sa kanila. Normal na itong kalakaran sa showbiz na super deny pero laging magkasama at super sweet sa isa’t isa. Si Max ay may bagong teleserye with Geoff Eigenmann na Kailan Tama ang Mali.  Wala raw itong problema kay Pancho at kilala daw niya si Geoff.

Hindi isyu sa kanya kung may kissing man sila. Hindi rin problema kay Pancho na magpose si Max sa FHM.

Pero very open naman si Max na wala siyang plano o wala sa isip niya na mag-pose sa mga ganun. Si Pancho naman ay nakapag-pose na sa mga Bench pictorial at rumampa pa. Bagay naman at maganda ang kinalabasan.

vuukle comment

ARTIST CENTER

EULA

HALF SISTERS

KAILAN TAMA

LEFT

PANCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with