^

Pang Movies

Robin ayaw na sa teleserye, ginagawa raw siyang baliw!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagsisilbing breaker para kay Robin Padilla ang pagsasama nilang magkakapatid na sina Rommel at BB Gandanghari sa sitcom nilang  2 1/2 Daddies sa TV5, pagkatapos ng madugo at matagal na shooting ng movie niyang Bonifacio, Ang Unang Pangulo na naging official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong nakaraang taon.

Kaya sa TV sitcom ay para lang daw silang naglalaro sa set dahil puro sila tawanan at wala raw dull moment kapag kasama si BB sa kanilang eksena. Kumpleto rekados din daw ang kanilang hatid na saya sa kanilang palabas na may gulpihan dahil hindi mawawala ang bakbakan sa kanyang mga project.

Nagbiro si Binoe na nanghihinayang siya dahil hindi raw niya nahiram si Carmina Villaroel para kumpleto na ang riot ng kanilang mga eksena sa TV5. Sold out si Robin basta ikakasaya raw ng manonood. Suko lang si Binoe kapag teleserye na ang pag-uusapan dahil ginagawa raw siyang parang sira ulo. Paiiyakin daw siya sa umaga sa isang eksena, pero patatawanin naman siya sa pagdating ng hapon.

At least daw sa sitcom, masaya lang silang nagtatrabaho na pangtanggal pagod plus nakaka-bonding pa niya ang mga utol niya, lalo na si BB.

Ang 2 1/2 Daddies ay tatagal ng one season base sa kanilang pinirmahan sa Kapatid Network.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

BONIFACIO

CARMINA VILLAROEL

GANDANGHARI

KAPATID NETWORK

KAYA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with