^

Pang Movies

Pati kapatid nadamay sa pagiging ‘insensitive’ daw P-Noy niraratrat ng batikos sa social media account ni Kris

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ramdam na ramdam ko kahapon ang malamig na panahon at kung hindi ako nagkakamali, kahapon ang pinakamalamig na panahon sa Metro Manila.

Sa kabila ng cold weather, maiinit ang ulo at disappointed ang mga Pilipino dahil sa hindi pagpapakita ni P-Noy sa Villamor Airbase nang dumating ang mga labi ng mga pinatay na PNP-SAF sa Maguindanao.

Kahit sinabi ng Malacañang Palace na ngayon makikiramay si P-Noy sa mga naulila ng mga biktima, hindi ito matanggap ng mga Pilipino na binabatikos ang insensitivity na ipinakita ng pangulo ng Republika ng Pilipinas na inuna ang inauguration ng isang car company sa Laguna.

Pati si Kris Aquino, damay sa galit ng mga Pilipino na naglabas ng saloobin sa kanyang Instagram account.

Walang naramdaman na sincerity ang mga tao sa post ni Kris na nanggaling ito kahapon sa Manaoag Church para sa annual thanksgiving mass ng Kris TV family at kasama sa mga ipinagdasal nila ang mga pinatay na miyembro ng SAF.

Mga below the belt ang banat kay P-Noy dahil sa paniwala na ang social media account ni Kris ang wastong venue para iparating at iparamdam ang mga galit na nararamdaman nila.

Kung nagpunta si Kris o ang sinuman sa Aquino sisters sa Villamor Airbase kahapon, baka sakali na mabawasan ang galit na nararamdaman ng buong bayan sa kanilang nag-iisang kapatid na lalaki.

Dahil sa no-show ni P-Noy, nauungkat ang mga kapalpakan ng kanyang administrasyon, ang hostage taking incident sa Luneta noong August 2010, ang naging trato sa mga biktima ng Typhoon Yolanda, ang speech niya sa harap ni Pope Francis at marami pang iba.

Ayaw makuntento at maging komportable ng mga Pilipino dahil naghihintay sila ng malinaw na kasagutan sa tao na dapat managot sa pumalpak na PNP operations sa Maguindanao. Hindi na sila basta nabobola ng mga speech na paliguy-ligoy at mga paliwanag na walang direksyon at malinaw na sagot.

Mga minasaker na pulis hindi magandang balita kay Santo Papa

Nakalulungkot ang mga nangyayari sa bansa natin pagkatapos ng limang araw na pagbisita ni Pope Francis.

Tiyak na makararating sa Santo Papa ang massacre na nangyari sa Maguindano at isasama niya sa panalangin ang mga biktima.

Nangyari sa PNP-SAF nakakapangi-labot parang kuwento ng pelikula, pinatay na pinagnakawan pa

Parang kuwento ng pelikula ang nangyari sa PNP-SAF. Ang kaibahan lang, ang mga bida ang namatay at hindi basta bida kundi lahat ng bida sa pelikula.

Ang kasamaan ang nanaig at mahirap matanggap na pinagnakawan pa ng mga personal na gamit ang mga biktima.

Nakakapangilabot at nakakagalit ang mga text message na ipinadadala ng mga kriminal sa mga kamag-anak ng mga pinaslang na pulis. Kailangan talaga na mabigyan ng hustisya ang senseless death ng 44 na miyembro ng SAF.

‘Kabilang ako sa milyun-milyong Pilipino na hindi matanggap ang ginawa ni P-Noy’

Walang kinalaman sa showbiz ang nangyari noong Linggo sa Maguindanao pero tinutukan ko ang kuwento dahil umiral ang pagiging Pilipino ko at ang pagmamahal ko sa bayan.

Hindi ko pinalampas ang speech ni P-Noy noong Miyerkules at ang live coverage ng pagda­ting kahapon sa Villamor Airbase ng mga labi ng mga biktima dahil sa kagustuhan ko na malaman ang mga puno’t dulo ng pangyayari.

Kabilang ako sa mga milyon-milyong Pilipino na deeply affected ng isyu kaya mahirap maintindihan at matanggap ang insensitivity na ipinamalas ni P-Noy.

vuukle comment

LEFT

MAGUINDANAO

P-NOY

PILIPINO

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with