^

Pang Movies

Pabalik-balik noon sa London Mikael hindi na itinatanggi ang relasyon kay Megan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tinotoo ni Mikael Daez ang kanyang pangako na kapag natapos na ang reign ni 2013 Miss World Megan Young, saka siya magsasalita tungkol sa kanilang dalawa. Kaya nang makausap namin si Mikael sa last taping day ng Ang Lihim ni Annasandra with Andrea Torres, hindi na siya tumanggi sa mga tanong ng entertainment press. Kung dati ay ayaw niyang magsalita sa personal life nila, inamin ni Mikael na ilang beses din niyang dinalaw sa London ang girlfriend na simula nang manalo ay hindi nagbago ang ugali, na ilang luggages at isang iPad ang naibigay na niya kay Megan.

Pero sa career ni Megan ngayong tapos na ang reign nito, ayaw manguna ni Mikael. Ayaw niyang sagutin kung totoong sa GMA Network na babalik si Megan dahil may naka-ready nang project para sa kanya. Hindi rin siya puwedeng magsalita kung totoong hadlang pa rin sa showbiz career ni Megan ang another year contract na pinirmahan nito sa Miss World. When asked kung okey lamang sa kanyang muli silang magtambal ni Andrea, their fourth if ever. Bakit daw hindi, very comfortable na siyang katrabaho si Andrea at hindi na siya nahihiyang magbigay ng suggestions, lalo na sa mga eksena nilang ginagawa sa kanilang afternoon prime na magwawakas na sa February 6.

As of now, hindi pa niya alam kung ano ang next project niya sa GMA pero balak niyang libutin ang ilang lugar sa Pilipinas bilang regalo sa sarili dahil sa sunud-sunod na trabaho. Gusto niyang tumikim ng mga pagkain na especialty ng bawat lugar na pupuntahan niya para sa Midnight Express episode niya gabi-gabi sa Saksi. At least daw, nagbabakasyon na siya nagtatrabaho pa.

Danica worry-free sa mga anak kahit iniiwan sa bahay ‘pag nasa taping

Kay Danica Sotto-Pingris namin unang narinig ang PLDT Home FamCam na gamit daw niya sa kanyang bahay para magkaroon siya ng peace of mind kahit nagti-taping siya ng Happy Wife Happy Life sa labas. Kasama niya rito si LJ Moreno-Alapag for TV5 na napapanood araw-araw, 11:30 a.m. Hindi naman kataka-taka na alam ni Danica ang tungkol sa Home FamCam dahil isa ito sa mga sponsors ng Eat Bulaga.

Nalinawan kami sa gamit ng FamCam nang i-launch ito ng PLDT at i-explain ang mga gamit nito ni Gary Dujali, PLDT executive. Isa pala itong home monitoring camera na live nagta-transmit ng footages sa mobile devices sa pamamagitan ng PLDT Home DSL connections. Sa pamamagitan nito mamo-monitor mo kung ano ang nangyayari sa iyong pamilya kahit wala ka sa bahay basta i-pair mo ito sa iyong PLDT Home Telpad. Napakababa rin ang fee nito, only P99 a month you can keep in touch na with your family kahit nasaan ka.

Mas maganda raw ito kaysa sa CCTV dahil may built-in microphone ito, two-way communication with camera panning, tilting and zoom. Ang Basic FamCam is available na at PLDT Home DSL Plan P1,299 and up. Kapag advanced FamCam ang kinuha mo, the fee is P499 a month. Kung kukuha kayo ngayon ng FamCam at Home DSL may family-sized sale sila up to February 1 with two months free use of FamCam. Ang FamCam ads nila ay napapanood na, at feature ang Artadi twin daughters of Wolfgang rocker Basti Artadi.

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG BASIC

ANG LIHIM

BASTI ARTADI

DANICA

FAMCAM

MEGAN

MIKAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with