^

Pang Movies

Pagbabalik ni Willie Revillame sa TV wala pang kasiguraduhan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Invited ako sa birthday party ni Willie Revillame noong Martes sa rooftop ng Wil Tower Mall pero hindi ako dumalo dahil alam naman niya na early to bed, early to rise  ang beauty ko.

Nabalitaan ko na lang na kumpleto ang Villar family sa party ni Willie na parang kamag-anak na rin ang trato nila.

Ang presence ng mga Villar sa birthday bash ni Willie ang patunay na walang katotohanan ang mga  malicious blind item na may intensyon na wasakin ang kanilang friendship.

Masyado nang malalim ang pinagsamahan ng mga Villar at ni Willie kaya sure ako na hindi sila basta mapapatumba ng anumang intriga.

Totoo ang sinabi ni Willie na hindi pa done deal ang pagbabalik niya sa telebisyon.

Sa fans ni Willie, hintayin n’yo na lamang ang official announcement at huwag maniwala sa mga sabi-sabi.

Sigurado naman na sasabihin ni Willie ang mga mangyayari kapag maayos na ang lahat para sa kapakanan ng kanyang mga tagahanga.

Baguhang aktor iniintrigang bakla

Ang Kailan Ba Tama ang Mali ang second regular show ni Ken Alfonso sa GMA 7.

The  who si Ken? Alaga siya ni Jonas Gaffud ng Mercator Agency at kaibigan ng bida ang role niya sa bagong teleserye.

Bukod sa pag-arte, forte ni Ken ang pagkanta. Hindi siya nagmamadali dahil alam niya na darating din ang big break na kanyang pinakahihintay.

Baguhan pa lamang si Ken pero paborito siya na intrigahin ng mga baklita. Ayaw magpaapekto ni Ken dahil balakid sa pag-unlad ang mga imbentong isyu na ipinupukol sa kanya ng mga vaklush.

Geoff mas interesado kay Empress?!

Hindi na masyadong tinatanong ng mga reporter si Geoff Eigenmann tungkol sa ex-girlfriend nito na si Carla Abellana.

Gasgas na gasgas na kasi ang isyu at alam ng entertainment writers na malabo nang magkabalikan sina Geoff at Carla.

Impossible dream din na magkaroon ng kaugnayan si Geoff kay Max Collins, ang leading lady niya sa Kailan Ba Tama ang Mali.

Knows ni Geoff na taken na si Max bilang girlfriend ito ni Pancho Magno.

May chance pa na magkaroon ng love affair si Geoff at ang kanyang co-star na si Empress. Wala tayong naririnig na may boyfriend na ang nagbabalik-Kapuso actress na nag-ober da bakod noon sa ibang television network.

NBA nabulabog kina Pacman at Mayweather

Ang sey ng mga eyewitness, nabulabog ang mga nanood ng NBA game  noong Martes dahil sa presence nina Cong­ressman Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Masuwerte ang NBA fans dahil saksi sila sa unang beses na pagtatagpo, in person, nina Papa Manny at Miss Mayweather, Jr.

Hindi personal na magkakilala ang dalawa pero pinagpistahan ng lahat ang pagsasagutan nila .

Finally, naganap ang pagtatagpo nila noong Martes. Nag-rejoice ang boxing fans na nanood ng NBA game dahil kahit sa panaginip, hindi nila naisip na magiging witness sila sa first time historic encounter ng mga legendary boxer.

Jennylyn at Katrina dumalaw kina Bong at Jinggoy

Nagpapasalamat sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada dahil dumalaw sa kanila noong Linggo sina Jennylyn Mercado at Katrina Halili.

Kasama ni Jennylyn ang kanyang anak na si Alex Jazz. Witness ako sa pagiging maasikaso at mapagmahal na ina ni Jennylyn. Mapalad si Alex Jazz dahil si Jennylyn ang nanay niya.

vuukle comment

ALEX JAZZ

ANG KAILAN BA TAMA

CARLA ABELLANA

DAHIL

FLOYD MAYWEATHER

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

JENNYLYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with