^

Pang Movies

Papa Jack, sa TV naman nangungulit

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tiyak na may bagong tututukan tuwing Sabado ng gabi sa TV5 ngayong sasabak na sa telebisyon si Papa Jack (ang kilala at sikat na male DJ sa radyo at ang love guru ng bayan) sa bago niyang love advice at talk-variety program na Call Me Papa Jack na nagsimula noong Sabado, January 24, 10:00 p.m. sa Kapatid Network.

Bukod sa dagdag pang kasiyahan, kulitan at kiligan na masusubaybayan ng mga viewers sa bagong programa ni Papa Jack, hindi rin dapat palampasin ang kanyang mga bagong quotable quotes, mas tagos-puso pang love advice at mga prankang payo habang kausap via phone patch ang ilang mga indibidwal na may mga kakaibang love stories na siguradong ikawiwindang ng buong bayan.

Ang mga nag-aakala namang kilalang-kilala na nila si Papa Jack ay mas lalo pang mamamangha sa kanya sa Call Me Papa Jack habang kausap niya in person ang ilang mga kontrobersyal at sikat na artista at personalidad sa showbiz na ngayon lang din magbabahagi ng kani-kanilang mga kuwento ng kabiguan pagdating sa pag-ibig.

Every week ay may aabangang panibagong celebrity guest na bukod sa pagkuwento ng kanilang love stories ay sila ring tutulong kay Papa Jack na magbigay ng payo sa mga guest callers ng programa. Ang ilan sa mga special guest ni Papa Jack ay sina Manila Vice Mayor Isko Moreno, actress-musician-host Julia Clarete, Mac & Chiz star Bianca King, at ang teen heartthrob at kasalukuyang talk-of-the-town na si Bret Jackson, ang young actress na si Ynna Asistio, at marami pang iba.

Higit pa rito, magkakaroon din ng iba pang exciting na segment ang programa na tiyak na magiging patok sa mga manonood. Isa na rito ang Online Ligawan, kung saan mapapanood ang video confessional tampok ang mga taong buong tapang na inihahayag sa telebisyon ang kanilang damdamin sa kanilang iniibig. Magkakaroon din ng Jamming with Papa Jack, kung saan magpapakitang-gilas naman pagdating sa kantahan si Papa Jack kasama ang ilan sa kanyang mga celebrity guests. At syempre, hindi rin mawawala ang kanyang sikat at inaabangang Papa Jack Quotes tungkol sa pag-ibig.

Sa kabuuan, hindi bale na kung ikaw ay single, taken, o kasalukuyang nasa ‘it’s complicated’ na relasyon, dahil pagdating sa love life at relationships, tuwing Sabado ng gabi sa TV5 ay si Papa Jack na ang gugustuhin mong laging makasama.

vuukle comment

BIANCA KING

BRET JACKSON

CALL ME PAPA JACK

JACK

JULIA CLARETE

KAPATID NETWORK

PAPA

PAPA JACK

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with