^

Pang Movies

Angelica napagkamalang member ng Goin’ Bulilit ni Nora

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – May kuwento minsan na nagkita raw sina Superstar Nora Aunor at Angelica Panganiban sa isang event. Kuwento ni Guy, madalas niyang mapanood si Angelica sa Goin’ Bulilit, pero ang totoong titulo ng programa ay Banana Split. Nagkamali ng akala si Guy, ang Goin’ Bulilit kasi ay programang pambata. Hindi tumawa si Angelica, alam naman niyang nagkamali lang ang Superstar.

John Lloyd hindi nasulot ng ibang network

Tama ang naging desisyon ni John Lloyd Cruz na huwag lumipat ng ibang network. Ang ilan kasi sa mga lumipat, nalagay sa alanganin ang situation. Naroong nakahilera ang project na ipinangako ng lilipatan, pulos drawing lang naman pala ang ending.

Sayang si John Lloyd kung mapupunta lang sa ibang network at kung anu-anong papel lang ang ibibigay sa kanya. Tatlong buwan ding pinag-isipan ng aktor ang naturang desisyon. Mabuti nga at may mga TV commercial siya kundi, baka nakalimutan na ito ng fans.

Nagsusulputan kasi ang mga baguhan sa ABS-CBN, na may mga potential. At higit sa lahat, mga bata at fresh looking pa!

Julia hindi napagtagumpayang patumbahin

Akala noon ng mga basher ay mailalaglag nila si Julia Montes dahil may kapangalan ito sa katauhan ni Julia Barretto. Subalit hindi nagpatalo si Julia Montes. Maganda ang PR at walang negatibong imahe ang dalaga at mabait ito sa kanyang nanay.

Kamuntik na ngang mag-reyna ang dalaga sa Dos, kaso lang nagsulputan ang mga baguhan. But still, may sariling karisma si Julia at  katunayan, may movie sila nina Gerald Anderson at JC de Vera titled Halik sa Hangin na showing na bukas sa mga sinehan.

Sto. Domingo sa QC mas maayos na

Naimbitahan kami minsan ni Amanda Amores na dumalo sa get together ng Barangay Sto. Domingo Ladies Group ng QC. President kasi siya rito at ipinagmamalaki namin siya sa mga project na nagagawa nila ng Vice President niyang si kagawad Aida Bautista, na look alike nina Helen Gamboa at Mila Montez.

Nadiskubre rin naming ang anak pala niyang kagawad na si Michelle China Yu ang nagpalagay ng ilaw sa mga poste sa madidilim na lugar ng Sto. Domingo.

Ara tutok sa pag-aalaga ng anak, ayaw kumuha ng yaya

Mismong si Ara Mina pala ang nag-aalaga ng kanyang baby. Ayaw nitong kumuha ng yaya. Iba raw talaga kapag nanay ang nag-aalaga sa anak.

Sana, maraming katulad ni Ara na ganoon ang pag-uugali. Unlike other movie star na kapapanganak pa lang, gusto nang mag-taping at bumalik sa trabaho.

vuukle comment

AIDA BAUTISTA

AMANDA AMORES

ANGELICA PANGANIBAN

ARA MINA

BANANA SPLIT

BARANGAY STO

DOMINGO

JOHN LLOYD

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with