^

Pang Movies

Kaya pala panay ang kurot at haplos young actor nadiskubreng bading ang kapwa actor na kaibigan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Medyo umiiwas na ngayon ang isang young actor sa kapwa nito young actor dahil masyado na raw “too close for comfort” ito.

Close naman daw ang dalawang young actor dahil nagkasama sila sa isang TV show. Barkada nga sila at halos lahat ng mga lakad nila, mapa-showbiz man o personal, nagkakasama sila parati.

Pero lately ay medyo dumidistansya na raw si Young Actor A (YAA) kay Young Actor B (YAB) dahil may kakaibang kilos na raw ito.

Ayaw naman mag-assume ni YAA pero pakiramdam niya ay may pagkabading si YAB.

Sa isang rehearsal daw nila ng isang dance number para sa isang guesting nila, napansin ni YAA na panay ang titig sa kanya ni YAB kapag nagtatanggal na ito ng kanyang pawisang T-shirt.

Nagsabi pa nga raw si YAB na siya na ang magpunas ng pawis ni YAA sa likod dahil baka raw sipunin ito kapag natuyuan ng pawis. Okey lang kay YAA pero nakaramdam siya ng kakaibang kilos sa mga kamay ni YAB sa kanyang likod.

Noong araw naman daw ng guesting nila, pinasuot kay YAA ng stylist ay skinny jeans na sobrang hapit sa kanyang mga legs. Bumukol tuloy ang hinaharap niya at hiyang-hiya ito at gusto niyang papalitan ang skinny jeans.

Nag-dialogue nga raw si YAB na huwag na raw palitan dahil bagay naman daw kay YAA dahil sexy siyang tingnan. Tapos sabay pinalo raw siya sa puwet ni YAB.

Doon na medyo naalarma si YAA dahil first time daw gawin ni YAB ‘yun sa kanya at parang may ma­lisya na. Kaya ‘yung mga paakbay-akbay daw sa kanya ni YAB sabay kurot sa kanyang dibdib na dinededma niya noon ay ngayon lang niya nabibigyan ng malisya.

After nga raw ng dance number nila ay mabilis na tumakbo si YAA sa dressing room nila para magpalit dahil naiisip niya ang ilang beses na naghubo’t hubad siya harapan ni YAB na hindi niya binigyan ng malisya.

Kaya pala minsan ay pinapauna siyang magbihis nito, ‘yun pala ay nakakalibre na ito ng boso.

Habang nagpapa-picture si YAB sa mga fans niya, agad na nagbihis si YAA para hindi na siya maabutang hubo’t hubad. Noong makarating na si YAB sa dressing room, papaalis na si YAA at sinabi niyang may lalakarin pa siyang importante sa school.

Kaibigan pa rin ang turing niya kay YAB pero sa konting distansya ay maiiwasan niyang isipin na baka may pagnanasa sa kanya ito.

Mayweather nababakla na naman kay Pacman?!

Never ending ang sagutan nina Manny Pacquaio at Floyd Mayweather, Jr. dahil sa hindi maayos na pakikipag-negotiate ng huli tungkol sa magiging laban nila sa taong ito.

Ang latest na balita, magulo na naman daw kausap ang kampo ni Mayweather dahil may mga kung anu-anong mga demand pa ito.

Ayon kay Pacman, panay ang sisi ni Mayweather sa promoter na si Bob Arum tungkol sa hindi maayos na pakikipag-usap sa kanila.

“Me and my promo­ter has no problem. We agreed already about the terms and conditions. Just sign the contract and that fight will be on. I’m just waiting for the signed contract. All he needs to do is just sign the contract,” diin pa ni Pacman nang ma-interview siya ng international media sa premiere ng kanyang docu-film na Manny.

Kung matutuloy nga ang laban nila ni Mayweather, hindi raw sa Wild Card Gym mag-eensayo si Pacman kung ang laban ay magaganap sa US.

Sa isang undisclosed gym mag-ensayo si Pacman para makaiwas sa anumang mga tauhan ni Mayweather na mag-espiya sa mga bagong boxing routines niya.

Selena Gomez nakikipag-skype na naka-bra sa ipinalit kay Justin

Mukhang nakahanap na si Selena Gomez ng kapalit kay Justin Bieber sa kanyang puso.

Ilang beses na ngang nakikita ang former Disney star na kasama at very sweet si EDM artist Zedd. Panay pa ang post nila ng kanilang photos sa kanilang mga Instagram accounts.

Kaya naniniwala ang mga kaibigan nina Selena at Zedd na they are “more than friends” dahil sa mga ikinikilos nila.

May isang pinost nga si Zedd na photo habang kausap niya si Selena via Skype at suot lang ng singer ay ang kanyang bra!

Huli silang nakitang dalawa noong nakaraang Golden Globe Awards after-party.

Patunay na kaya ito na nag-move on na si Selena at tuluyan nang pinalitan si Justin na ilang beses niyang binalik-balikan at ilang beses ding iniwan?

vuukle comment

DAHIL

MAYWEATHER

NILA

NIYA

PACMAN

YAA

YAB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with