^

Pang Movies

John Lloyd gusto pang kumita ng pera?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inaamin ni John Lloyd Cruz na sa kanyang edad na 32, at sa nagiging takbo ng mga usapan dahil open naman ang kanyang girlfriend ngayong si Angelica Panganiban na naghihintay lang iyon ng isang marriage proposal, mukhang may pressure na nga rin para mag-asawa siya. Pero kung si John Lloyd lang ang tatanungin, sinasabi niyang gusto muna niyang ibuhos ang kanyang panahon sa kanyang career. Darating din naman ang panahon na magkakaroon siya ng pamilya, gusto lang siguro niya na mas masiguro ang kinabukasan, lalo na nga at kung magkakaroon na siya ng mga anak.

Tama si John Lloyd sa kanyang sinasabing iyan. Nakita naman natin ang nangyari sa career ng maraming mga matinee idols. Kahit na nga sabihin mong lumabas din namang mga magagaling silang actor talaga. Mataas na mataas ang lagay ng kanilang career pero nang mag-asawa, parang nawala ang magic at unti-unting bumaba ang kanilang career. Sikat pa rin naman sila, pero aminin natin na hanggang supporting roles na lang sila.

Sa ngayon, masasabi nating nasa itaas pa rin ang kalagayan ni John Lloyd. Oo nga at ang huli niyang pelikula ay hindi masyadong malaki ang kinita, pero hindi natin maikakaila na siya ang nakapag-rehistro ng pinakamalalaking box-office returns sa mga matitinong pelikula. May iba namang pelikulang malaki talaga ang kita pero hindi naman kasi “matinong pelikula” ang classification. Doon sa mga matitinong pelikula, si John Lloyd pa rin ang top money maker.

Hindi masasabing ang leading lady niya rason, kasi kahit na sino ang kanyang katambal, malaki ang kita ng pelikula.

Sharon, Gretchen at Dawn puwede raw humalili kay Kuya Germs sa Walang Tulugan

Mas mabuti na raw ang kalagayan nga­yon ni Kuya Germs, sabi nila sa amin. Mabilis daw naman ang nagiging response ng kanyang katawan sa therapy at siguro mga ilang panahon na lang ay normal nang maikikilos ni Kuya Germs ang kanyang buong katawan. Medyo naapektuhan kasi nang kaunti ang kanyang right arm matapos ang mild stroke na tumama sa kanya.

Malaking tulong nga rin kay Kuya Germs ang kanyang bakasyon. At kahit na wala siya sa Walang Tulugan With The Mastershowman, ang ginawa naman nila ay kinukumbida ang mga dating mainstay ng That’s Entertainment noong araw para tumulong munang mag-host ng show, habang wala ang master showman.

Siguro hindi lang mga taga-That’s. Baka maganda ring minsan iyong mga naging co-host naman niya sa GMA Supershow ang makumbida nila. Walang contract sa kahit na ano’ng network si Sharon Cuneta. Lumalabas na rin naman si Gretchen Barretto. Active din si Dawn Zulueta. Siguro puwede naman silang pumalit minsan kay Kuya Germs sa Walang Tulugan.

Aktres nagpaka-pokpok sa relasyon nila ng aktor

“Talagang pokpok,” ganyan ang comment ng isang male star tungkol sa isang female star na naging syota niya for two weeks lang. Wala kasi siyang kamalay-malay, nalaman na lang niyang may iba na naman palang boyfriend iyon kahit na wala naman silang break-up. Eh magtataka pa ba siya eh sa ganoon din naman niya nakuha ang female star na iyan.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

GRETCHEN BARRETTO

JOHN LLOYD

KANYANG

KUYA GERMS

LANG

NAMAN

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with