^

Pang Movies

Pacman hindi na mapantayan ang kasikatan, excited mag-judge sa Miss Universe

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na talaga maabot si Congressman Manny Pacquiao dahil pagkatapos makipag-rubbing elbows kay Prince Harry, nakipagtsikahan portion naman siya kay Donald Trump, ang co-organizer ng Miss Universe.

World class celebrity na talaga si Papa Manny dahil mga sikat na tao sa buong mundo ang nakakahalubilo niya at humihiling na makasama siya.

Si Prince Harry ang nag-imbita kay Papa Manny ng private dinner at may appro­val ni Papa Donald ang pagpili sa Pambansang Kamao bilang judge ng Miss Universe.

Mahirap nang mapanta­yan ng ibang mga Pinoy ang achievements ni Papa Manny sa mundo ng boxing. Talagang nirerespeto at kinikilala siya sa buong mundo bilang mahusay na boksingero.

Excited na si Papa Manny sa Miss Universe dahil first time niya na magiging hurado.

Kahit sanay na siya na makipagbakbakan sa boxing arena, kinaka­bahan pa rin si Papa Manny dahil alam niya na 600 million people mula sa iba’t-ibang bansa ang manonood ng coronation night ng Miss Universe.

Masuwerte ang Philippine bet na si Mary Jean Lastimosa dahil nakakasiguro siya na mataas na score ang ibibigay sa kanya ni Papa Manny.

Makatulong sana ang Pamban­sang Kamao para masungkit ni Las­­timosa ang mailap na korona ng Miss Universe.

Aljur ‘di pa makabalik sa GMA

May mga nagtatanong kung bumalik na ba raw si Aljur Abrenica sa GMA 7 dahil ipino-pro­mote ng network ang kan­yang mga mall show.

Ma at pa ang sagot ko dahil walang official announcement ang Kapuso Network tungkol sa pagbabalik ng  “prodigal son”.

Sigurado naman na mag­lalabas ng pralala ang GMA 7 kapag naa­yos na ang problema ni Aljur. Sa true lang, si Aljur lang naman ang gumawa ng kanyang problema. Caught by surprise nga ang GMA 7 sa pag-aalsa ba­lutan na ginawa niya noong nakaraang taon.

Asian Music camp ni Arnel Pineda biglang hindi na pinag-usapan

Nakalipas na ang January 23, 2015 pero wala pa tayong nababalitaan tungkol sa Asian Music Camp, ang  biggest music competition na brainchild ni Arnel Pineda.

Nagkaroon  ng bonggang launch sa isang five star hotel noong  2014 ang Asian Music Camp kaya wondering ang fans ni Arnel kung matutuloy ang kanyang ambitious project na international ang kalibre.

Dingdong magpapaka-busy na uli

Nakilala ni Dingdong Dantes ang mga kamag-anak ni Marian Rivera nang magpunta sila sa Europe para sa kanilang honeymoon.

Mga Espanol ang mga kamag-anak ni Marian kaya lost in translation si Dingdong na nag-effort nang todo para maintindihan ang mga sinasabi ng kanyang in-laws.

Nakasama uli sa Spain ng bagong kasal si Francisco Javier Gracia, ang tatay ni Marian na dumalo sa kasal nila noong December 30.

Hindi marunong ng Tagalog o English ang fadir ni Marian kaya may translator siya nang magsalita sa wedding reception ng kanyang anak at manugang

Balik-trabaho na rin si Dingdong Dantes dahil umapir na siya kahapon sa Sunday All Stars.

Ibinalita ni Dingdong na magkakaroon ng bagong album si Janno Gibbs, ang composer ng Mestisang Caviteña, ang wedding gift niya para kay Marian.

Si Janno ang composer ng melody at si Dingdong ang sumulat ng lyrics ng Mestisang Caviteña na malaki ang posibilidad na makasama sa upco­ming album ni Janno.

Thankful si Dingdong kay Janno dahil ito ang dahilan kaya nagkaroon ng katuparan ang Mestisang Caviteña.

vuukle comment

ALJUR

ARNEL PINEDA

ASIAN MUSIC CAMP

DAHIL

MESTISANG CAVITE

MISS UNIVERSE

PAPA MANNY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with