^

Pang Movies

Jennylyn gusto nang makausap si Luis

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa February 13 na ang pre-Valentine concert ni Jennylyn Mercado sa Skydome sa SM North EDSA pero natatawa siya dahil loveless pa rin siya sa Araw ng mga Puso. “Maliit na bagay lang yon,” katwiran niya sa bukambibig ng marami ngayon dahil sa pelikula niyang English Only, Please.

Lutang ang ganda ni Jennylyn nang magsalita siya kamakailan sa GMA-7 tungkol sa Second Chances. Sabi niya: “Lahat nang ginawa ko sa buhay ko, wala akong regrets. Kaya nangyari lahat ‘yon ay para may matutunan akong leksiyon.”

Ang mga past lover niya ay naging kaibigan din niya gaya ni Patrick Garcia. “Wala akong regrets na nagka-anak ako sa kanya at ngayong ikakasal na siya, wish ko ang the best para sa kanya.”

Eh si Luis Manzano? Naging kaibigan na rin ba niya gaya ni Patrick pagkatapos? “Hindi pa, pero feeling ko darating ang araw na mag-uusap din kami. Usap lang, hindi balikan ha!”

Maraming artista ‘high’pa rin kay Santo Papa

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makakalimutan ng maraming celebrities na nagkaroon ng pagkakataon na makaharap si Pope Frencis ang pambihirang karanasan na makausap o makaharap ito nang malapitan.

Si Kris Aquino ay nakipagkwentuhan pa kay Pope Francis nang ipagmalaki niya ang rosary na ibinigay nito kay Bimby nang magpunta sila ng Vatican noon.

Si Jamie Rivera naman ay panay pa rin ang hibik kapag naaalala na pinuri raw ni Pope ang kanta niyang nilikha para rito, ang We Are All God’s Children.

Sina Jed Madela, Angeline Quinto, Erik Santos at Darren Espanto ay mesmerized pa rin hanggang ngayon kay Santo Papa na kanilang kinantahan. Feeling blessed silang lahat lalo na si Erik na binigyan pa ng rosary ni Pope.

Si Nora Aunor naman ay nanghihinayang na hindi nagkaroon ng chance na makadaupang-palad ang Pope dahil nagkasakit siya noong araw na bumisita ito sa UST (University of Santo Tomas) Grandstand para i-meet ang mga kabataan. Sinabihan din kasi siya ng kanyang doktor na magpahinga na lang. Pero sabi ng mga kaalyado ni Ate Guy, mali raw ang naisulat na inisnab daw niya si Pope Francis!

                               

 

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ATE GUY

DARREN ESPANTO

ENGLISH ONLY

ERIK SANTOS

JENNYLYN MERCADO

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with