^

Pang Movies

Ruffa kinukulit pa rin ng dating asawang si Yilmaz Bektas!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Ruffa Gutierrez, nag-i-email pa rin sa kanya ang ex-husband na si Yilmaz Bektas pero hindi na raw niya ito sinasagot.

“Sabi nga ni Mommy, my God, magsu-shoot tayo sa Istanbul (Turkey na bansa ni Yilmaz), sabi ko, “okay Ma, good luck, mag-isa kang mag-shoot sa Istanbul.” Kasi ‘yung last email niya (Yilmaz) sa akin, hindi ko na siya sinagot kasi medyo maasim pa rin. Hindi na siya talaga magbabago, feeling ko,” kuwento ni Ruffa.

Alam niyang updated pa rin si Yilmas sa mga nangyayari sa buhay niya dahil pina-follow daw siya ng pamilya nito sa kanyang social media account. So, for sure ay alam daw ng dating asawa na may bago na siyang boyfriend.

“Pero parang feeling ko naman, it’s been so long na, you don’t even support me, you don’t support me and my kids, I support them on my own. Wala kang karapatan, ‘di ba?

“Mag-react siya kung may karapatan siya, kung binibigyan niya ako ng $50,000 a month, makialam siya. But I’m working on my own, ‘di ba?”

Noon pa ay sinabi na ni Ruffa na talagang hindi siya nagde-demand kay Yilmaz ng suporta.

“When I left (Istanbul) to come back to the Philippines, even my mom na mukhang pera, sabi niya, “naku, hayaan mo na ‘yan, huwag mo na siyang gulu-guluhin, ang importante sa ‘yo, freedom mo, at least, makalaya ka, nandito ka, don’t get na anything from him tutal kaya naman natin”, mommy ko na ‘yan, ha?” kuwento pa ni Ruffa.

And thankful naman siya dahil nang bumalik siya, up to now ay hindi naman siya nawawalan ng trabaho kabilang na ang endorsement tulad nga ng Cosmo Skin.

Piolo hindi ininda ang aksidente sa bike

Nag-post si Iñigo Pascual ng picture nila ng amang si Piolo Pascual kahapon sa Instagram (IG). May benda pa si Papa P sa kamay pero ayon sa caption ng young actor, mabilis naman daw naghi-heal ang sugat ng kanyang ama na tinawag niyang “scarface”.

“Meet scarface.. his scars are healing fast. Thanks everyone who’s praying,” caption ni Iñigo.

Sa larawan ay makikitang nakahiga sa kama si Piolo at mukhang okay naman siya dahil nag-thumbs-up pa siya sa camera kahit na may benda ang kamay at daliri.

Nagkarooon ng minor bike accident si Piolo last Thursday habang nagsu-shoot ng ad for ABS-CBN mobile.

Nag-release ng statement ang ABS-CBN noong Thursday din ng gabi sa Aquino & Abunda Tonight dahil marami raw ang naalarmang fans at inakalang napakala­king aksidente ang nangyari kay Piolo.

“Piolo Pascual had a minor bike accident while shooting an ad for ABS-CBN Mobile earlier today, January 22. He has a few scratches and a small fracture in his finger. He already received proper medical attention for his injuries and has been cleared by the doctors to go home and rest,” ang nakasaad sa statement.

Samantala, this Sunday, January 25, abangan si Iñigo sa third episode ng kanyang Wansapanataym Presents Wish Upon a Lusis kung saan ay katambal niya si Julia Barretto.

Sa episode tonight ay muling magkikita ang mga karakter ng dala­wa na sina JP and Joy at muling magkakalapit ang kanilang kalooban.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

BUT I

COSMO SKIN

PIOLO

PIOLO PASCUAL

RUFFA

SIYA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with