^

Pang Movies

Albie nakalimutan na ang anak kay Andi

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinag-usapan noong launch ng Happy sa 2015 ng TV5 ang sabay na pag-appear nina Albie Casiño at Bret Jackson para sa Wattpad Presents, may nagbulong pa nga sa amin na hindi raw ba si Albie ang dating boyfriend at ama ng anak ni Andi Eigenmann at si Bret naman ang boyfriend ngayon ni Andi? Nasagot ito ni Albie nang makausap namin para sa A House Full of Hunks episode with Jasmine Curtis-Smith. Matagal na raw niyang friend si Bret, mas una pa kaysa nakilala niya si Andi at kung sila na nga ni Andi, wala raw siyang pakialam, sana raw ay maging masaya si Bret dahil mabait na kaibigan ito.

Naka-move on na talaga si Albie at mas priority niya ang studies niya as a third year Business Management  sa College of St. Benilde. May iba raw offer sa kanya ang TV5 pero hindi niya matanggap kung may conflict sa schedules niya. Tamang-tama raw ang Wattpad Presents dahil weekly ito kaya three days lamang ang taping nila.

Kesa kay Bela: Andi mas pinapaboran maging batang Alice

Nagpatayo pala si Direk Joel Lama­ngan ng set para sa idinidirek niyang movie na Sugo ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa isang lugar sa Pagsanjan, Laguna. Nag-first shooting day na siya ng movie na sabi’y ipalalabas sa May, 2015. Pero may problema pa rin pala sa casting na sa unang set ng cast ay binubuo nina Dawn Zulueta at ang gaganap na younger Dawn ay si Miss World 2013 Megan Young. Tampok sa cast si Albert Martinez at ang gaganap na younger Albert ay si Dennis Trillo. Pero balitang out na sina Dawn at Megan. Hindi na raw kasi puwede si Dawn dahil may ginagawa na siyang teleserye at may gagawin ding isang movie. Kung hindi raw puwede si Dawn, hindi na rin nila kukunin si Megan. Kaya ipapalit na raw kay Dawn si Alice Dixson at ang gaganap na batang Alice ay si Bela Padilla. Sa ngayon, hindi namin alam kung tuloy na sila dahil mayroong nagsabing mas bagay daw si Andi Eigenmann bilang young Alice.

So far, ang sure pa lamang talaga sa cast ay si Albert at hindi namin alam kung papalitan din si Dennis. Kilalang mabilis magdirek si Joel Lama­ngan, at naniniwala kaming matatapos niya on time ang movie, pero dapat ay mabuo na ang final casting para tuluy-tuloy na ang shooting nila.

Pagbisita ni Pope Francis sa bansa sasariwain ni Jessica

Hanggang ngayon ay may Pope Francis fever pa rin ang mga Pinoy, kahit halos isang ling­go nang nakabalik sa Vatican ang Santo Papa. 

Mamayang gabi, muling sariwain ang mga maiinit na tagpo sa ma­kasaysayang pagbisita ni Pope Franics simula nang dumating siya sa bansa noong January 15 hanggang sa umalis siya noong January 19. Pangungunahan ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho ang special na Blessed By The Pope, ang pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari noong pagbisita ni Papa Francisco.

vuukle comment

A HOUSE FULL OF HUNKS

ALBERT MARTINEZ

ALBIE

ANDI

ANDI EIGENMANN

POPE FRANCIS

RAW

WATTPAD PRESENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with