^

Pang Movies

Ruffa dapat pakinggan: Mga pambato ng ‘Pinas sa international pageants, nagmumukhang mga gaga sa mga suot na gown at national costume

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tama ang sinasabi ni Ruffa Gutierrez na kung may isasali tayo sa mga international beauty contest, ang dapat gumawa ng national costumes ng ating kandidata ay isang Pilipino. Noong sumali si Ruffa sa Miss World, ang gumawa ng kanyang national costume ay si Mang Ben Farrales. Lately, kung sinu-sino na ang gumagawa ng national costume na taga-ibang bansa, nagmumukha tuloy katawa-tawa ang ating mga kandidata.

Iyong isinuot na national costume ni MJ Lastimosa sa ginaganap na Miss Universe pageant ay ikinumpara ng maraming netizens sa kulay ng kakaning sapin-sapin, cake, at kung anu-ano pa ay gawa pala ni Alfredo Barroza na isang Columbian designer.

Siguro nga magaling at kilala siyang designer, pero ano ba ang nalalaman ng isang Columbian sa mga kasuotang Pilipino? Kaya nga maging ang mga kulay niyang napili, hindi iyong karaniwang ginaga­mit ng mga Pinoy, at nasabi nga ng mga kumukutya na parang sapin-sapin ang kulay ng gown.

Iyan kasing Binibining Pilipinas ay pinamumunuan ni Stella Mar­quez Araneta na isang Columbian. At paborito raw ni Ms. Araneta ang Columbian designer na iyon, pero ang kinakatawan ni MJ ay Pilipinas, at ang ipi­naki­kita nila roon ay supposed to be national costume ng mga Pilipino. Hindi naman tayo nagsusuot ng kulay sapin-sapin!

Kaya tama iyong suggestions ni Ruffa na dapat ang national costume ay talagang gawa ng isang Pinoy designer. Aba, magagaling naman ang mga Pinoy designer. Karamihan sa kanila ay kinikilala maski na sa abroad. May panahong si Pitoy Moreno ay itinuturing na pi­na­kamahusay sa buong Asya. Ang mga Pilipino, hindi nga lang su­­mikat kagaya ng mga kano o iba pang Europeans dahil hindi nila kayang makipagsabayan sa advertising, pero kung galing at galing lang ang pag-uusapan, kaya nating lumaban.

Ano nga ba ang dahilan at marami sa atin ang du­ma­ra­yo pa sa abroad para magpatahi lang ng damit sa mga foreignernna iyan? Gumagastos ng milyong dolyar para sa isang damit lamang, maliban na nga lang sa kayabangan?

Pero ang isang designer na sumikat sa Amerika ay si Monique  Lhuillier na ang mga gawing gown ay sinusuot ng Hollywood stars.

Piolo lampa sa bisikleta!

Palagay namin, hindi na talaga dapat magbisikleta si Piolo Pascual. Nabalitaan namin na habang ginagawa raw ang commercial ng isang telco, bumag­sak si Piolo sa sinasakyan niyang bisikleta. Sabi ng kanyang mga manager, kaunting galos lang naman daw iyon at napilayan yata sa isang daliri kaya pinauwi rin matapos na itakbo sa isang ospital. Ok naman na raw ang kalagayan ni Piolo sa kasalukuyan.

Pero nang ilabas mismo ni Piolo ang kanyang “ok lang” na picture sa isang social networking site, mukhang taliwas iyon sa kanyang sinasabi. May gasgas kasi ang kanyang mukha at nakabenda ang kanyang kamay.

Hindi ito ang first time ni Piolo sa bisikleta. Bumagsak na rin siya sa bisikleta sa isang shooting sa Baguio noon. Baka dapat na nga niyang iwasan ang bisikleta.

Suportado at binilhan pa ng condo: Gay TV host may ‘asawa’ sa Baguio!

Nabanggit ang Baguio. Kalat doon ang tsismis tungkol sa isang estudyanteng suportado raw ng isang gay TV host. Ibinili pa raw ng condo at kotse ang bagets. Pero tsismis lang iyan. Nakumpirma ito nang mag-post ang estudyante ng picture sa social media na grupo naman pero kasama ang gay TV host. Tapos may picture pa ng isang trophy na walang dudang ibinigay sa gay TV host. Eh ‘di bingo!

Iyon na iyon nga ang ebidensiya. Hindi ba GMA yata ang initials ng estudyante sa Baguio?

vuukle comment

ALFREDO BARROZA

ISANG

PERO

PILIPINO

PINOY

PIOLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with