^

Pang Movies

Andi hindi malilimutan ang karanasan sa Tragic Theater

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Forever na hindi malilimutan ni Andi Eigenmann ang horror movie niyang Tragic Theater, ang opening pasabog ng Viva Films sa taong 2015. Kasama sina Christopher de Leon at John Estrada, ito ang unang movie na ipalalabas sa January 8, pagkatapos ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magtatapos ngayong araw, January 6. Naaksidente kasi si Andi habang sinu-shoot nila ni Direk Tikoy Aguiluz ang movie, napatid ang harness na suot niya habang nakalambitin sa ere at nahulog sa mga upuan ng theatre na ginamit nilang location. Thankful naman si Andi at ang Viva Films dahil walang nangyaring grabe sa actress, maliban sa mga pasa sa legs niya.

Tanong tuloy, nagalit kaya ang sinasabing mga kaluluwang naninirahan sa gusali? Ang Tragic Thea­ter ay hango sa book ni G.M. Coronel at batay sa mga tunay na pangyayari. Early 80’s ginagawa ang isang teatro nang bumagsak ang scaffolding at ang sabi’y maraming manggagawa ang natabunan. Sa halip na iligtas, iniutos umano na buhusan na lamang ang mga ito ng semento upang hindi ma­antala ang paggawa ng gusali. Hindi nalihim ang pang­­yayaring ito at hanggang sa ngayon ay nakatayo pa rin ang sinasabing gusali na ginagamit sa mga show.

Sa movie, gagampanan ni Andi ang role ni Anne Ma­rie mula sa Department of Tourism (DOT) at siya ang mag-aasikaso sa sinehan na gagawin nang iMAX  Theater pero kailangang siguraduhin ni­yang wala nang kaluluwang na­ma­­ma­hay sa gusali, kaya hihingin niya ang tulong ni Father Nilo (John Estrada) na namumuno sa isang grupo ng ‘spirit communicators.’ Magtagumpay kaya si Anne at ma-exorcise ni Father Nilo ang lugar?

Jennylyn nag-aantay lang ng first move kay Dennis?!

Mamayang gabi na ang grand presscon to launch the new drama series ng GMA 7, ang Second Chances kaya tiyak na iintrigahin nang husto ang lead star na si Jennylyn Mercado. Marami kasing mga tanong sa kanya si Manay Lolit Solis noong Sabado sa Startalk at sinagot niya sabay tawa. Isa rito iyong pareho na raw silang single ng leading man niyang si Raymart Santiago dahil hiwalay na ito sa asawang si Claudine Barretto at siya naman, wala ring boyfriend ngayon. Matagal na raw niyang friend si Raymart at ilang beses na silang nagkasama sa project kaya comfortable lamang silang magtrabaho sa isa’t isa. Eh, lagi raw silang magkasama ni Dennis, may possibility raw ba ng balikan? Sagot ni Jennylyn, lagi raw lamang silang nagkakasama ni Dennis sa triathlon nila pero wala naman daw nangyayari. Tinigilan na ni Manay Lolit ang pagta­tanong kay Jennylyn at tiyak iyon ang isa sa itata­nong sa kanya dahil si Dennis din naman kapag tina­tanong sa set ng Hiram Na Alaala na nasa final week na ng airing, may ngiti na kapag sumasagot.

Dingdong at Marian mag-iikot sa Europe

Mga lugar sa Europe ang pupuntahan ng bagong kasal na sina Dingdong at Marian Dantes para sa kanilang honeymoon. Nag-post na si Marian sa kan­yang Instagram (IG) account ng picture ng Roman Colesseum, isa sa matandang architecture ro­on. Mag­hagis kaya sila ng coins at mag-wish ng ma­raming anak sa Fontana de Trevi? Pero mukhang hindi nga magtatagal ang honeymoon ng dalawa dahil naka-ready na raw ang StarStruck 6 na sabi ay si Iya Villania-Arellano ang magiging co-host ni Dingdong.

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

FATHER NILO

JENNYLYN

JOHN ESTRADA

SHY

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with