^

Pang Movies

Action movies, nalibing din sa pagkawala nina FPJ at Rudy Fernandez

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Happy New Year po sa inyong lahat. Simula na naman ng isang Bagong Taon at una gusto naming magpasalamat sa Diyos at nasaksihan pa namin ang Bagong Taong ito. Dapat nating laging ipagpasalamat ang paghaba ng ating buhay, anumang buhay mayroon tayo. Dasal lang namin na sana ay maging masagana ang ating bagong taon, at palagian pa rin namin kayong makasama rito sa PM.

Hindi natin alam kung ano ang mga pagbabagong mangyayari ngayong 2015, pero siyempre ang una nating hangad ay makabangon na ang industriya ng pelikulang Pilipino mula sa pagkakalugmok. Hindi na ito isang slump, sabi nila. Na-overtake na ng teknolohiya ang pelikula. Kagaya rin nang nangyari noon sa vaudeville nang pumasok ang pelikula, sinasabing na-over take na ng telebisyon at video ang mga pelikula. Ano man ang gawin nila ay mapapanood mo na sa bahay mo sa pamamagitan ng DVD, at lumalabas na mas mura pa kaysa sa panonood ng sine. Kung titingnan mo rin naman ang mga teleserye sa telebisyon, wala na iyong pagkakaiba sa pelikula maliban sa malaking screen, pero libre ang telebisyon. Iyong mga artista ay pareho rin naman.

Sana sa taong ito, mas maging aktibo sa pelikula ang mga artistang mahuhusay, at naniniwala ka­ming sila ang makapagbabangon ng pelikula. Gusto naming mapanood muli nang madalas sina Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano. May panahong sila lamang halos ang bumubuhay sa industriya ng pelikula. Aktibo ang industriya noong panahong iyon.

Iyong action movies, parang hirap nang buma­ngon matapos na mawala sina FPJ at Rudy Fer­nandez. Nakakulong pa si Bong Revilla. Hindi rin naman aktibo sina Cesar Montano at nag-iiba na ng linya si Robin Padilla. Kaya paano makakabangon ang action movies?

Malaki ang audience ngayon ng teenage movies, bagama’t karamihan sa mga artista ay hindi na naman talaga teenagers. Sa nakikita namin malakas talaga ang batak ni Daniel Padilla hanggang sa ngayon at mahihirapan ang kahit sino na ihanap siya ng ka-match. Tama iyong diskarte ng GMA 7 na ang pinipiling panlaban ay ang mas batang si Miguel Tanfelix. Dahil mas bata, maaari siyang mag-take over kung medyo tumanda na nang kaunti si Daniel. Basta ganyan kalakas ang star, huwag mong sabayan.

Medyo baliktad ang mundo ngayon. Noong araw ang mga leading men ay sinasabing “leading men lamang ng mas sikat na leading ladies”, pero ang nangyayari ngayon hindi lamang sa Pilipinas kung ‘di sa buong Asya halos, mas sikat ang mga artistang lalaki kaysa sa mga artistang babae. It shows na mas marami pa rin talagang babae at mga bading siguro na mas mahilig sa sine, at telebisyon kaysa sa mga lalaki na ang hilig panoorin ay sports, news, o kaya ay action lang.

Napansin din natin nitong mga nakaraang taon ay tanggap na rin ng mga tao ang mga palabas na may religious themes, isa na nga riyan iyong Niño na nagpasikat nang husto kay Miguel Tanfelix. Nauna riyan may mga serye na ring ganyang tipo ang ABS-CBN na naging malakas din naman ang ratings.

Naniniwala pa rin kami na sa taong ito, dapat sana mabago ang scenario sa telebisyon. Obviously, kaila­ngan natin ng isang mas malakas na “third network”. Malakas naman ang dating ng TV5, kaila­ngan nga lang siguro nila ng mga bago pang pakulo at maka-discover ng isang baguhan na may laban talaga sa mga malalaking artista ng ibang network.

Marami pa ang inaasahan namin na sana mang­yaring lahat ngayong 2015.

vuukle comment

BAGONG TAON

BAGONG TAONG

BONG REVILLA

CESAR MONTANO

DANIEL PADILLA

MAS

MIGUEL TANFELIX

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with