^

Pang Movies

Miguel, napi-pressure kina Daniel at Kathryn

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ng young actor na si Miguel Tanfelix  na napi-pressure siya sa tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kaya gagawin ang lahat para maka-agapay sa kanilang kasikatan sa gagawin nilang teleseryeng Once Upon a Kiss.

Samantala, naging maganda ang pasok ng taong ito kay Miguel kaya gusto niyang bumawi sa pamilya sa Pasko at Bagong Taon kung saan magkakaroon sila ng get-together sa Dasmariñas, Cavite kasama ang pamilya at kamag-anak.

Masaya siya sa leading-lady na si Diane at puring-puri nito ang ganda at kabaitan ng young actress.

Nag-e-enjoy siya sa pakikipagtrabaho kay Bianca Umali at sinabing gagawin nila ang lahat para maging maingay pa ang loveteam. Ayon kay Miguel nagpapasalamat siya dahil wala silang basher.

Sabrina, okay na maging kontrabida

Kontrabida si Sabrina Man bilang si Wendy Salazar at siyang gugulo sa relasyon nina Miguel at Bianca. Pitong taon na siya sa showbiz at okey lang kung ma-typecast bilang kotrabida.

Para sa young actress isang challenge ang gumanap sa character role.

Sabi ni Sabrina: ‘‘Napaglalaruan ko po ang karakter na ginagampanan ko. Okey lang na maging masama ako sa teleserye.

Nagsimula si Sabrina noong pitong taong gulang at nanalo sa Little Earth Angel sa Miss Earth noon. Nakasama din niya sa ABS-CBN sina Judy Ann Santos at Marian Rivera sa GMA. Type niyang makapareha balang araw ang crush na si Dennis Trillo.

Pagbati

Maligayang Pasko sa lahat! Ang tunay na diwa ng Pasko ay nasa pagmamahalan at pagbibigayan.

vuukle comment

BAGONG TAON

BIANCA UMALI

DANIEL PADILLA

DENNIS TRILLO

JUDY ANN SANTOS

KATHRYN BERNARDO

LITTLE EARTH ANGEL

MIGUEL

SABRINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with