^

Pang Movies

Ini-enjoy ang benefits ng pagiging 60 years old Vic Sotto proud sa senior citizen card!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Katuwa si Bossing Vic Sotto na proud sa pagkakaroon niya ng senior citizen ID. In fairness kay Bossing Vic, wala sa hitsura niya ang edad niya.

Pa-humble pa si Bossing na enjoy daw siya sa mga privilege ng pagi­ging senior citizen dahil laging priority ang tulad niya sa parking o kahit saang pila.

Siyempre, hindi rin hadlang ang kanyang edad kahit malaki ang agwat niya sa GF na si Pauleen Luna. Swak na swak pa nga ang magdwoya dahil nagkakaintindihan daw sila sa maraming bagay.

Itinuturing naman niyang lucky charm si Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon dahil nakatatlong movie na sila ng bagets na lahat ay mga blockbuster hit. Ang latest nga ay ang pelikulang My Big Bossing na kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi na rin maawat ang magandang kapalaran ni Aleng Maliit na kabibili lang pala ng kanyang Fortuner na SUV na ipinarada na niya siyempre sa maganda nilang bahay sa Commonwealth, QC. Meron din siyang ipinatayong computer shop sa Mandaluyong.

Aware si Ryzza na magkakaroon na siya ng bagong kapatid hindi lang sa nanay niya, kundi sa kinakasama ng kanyang tatay na buntis din. Kahit hiwalay ang magulang ng bagets binigyan pa rin daw nito ng puhunan ang tatay niya para makapag-business.

Hindi naman kini-claim ni Bossing Vic na magiging no. 1 sila ngayong darating MMFF pero sinisiguro ni Vic na magugustuhan ang movie nila, hindi lang ng mga bata kundi pati ng buong pamilya.

Nadagdagan pa ang kanyang apo sa katauhan ni Alonzo Muhlach na kasama rin sa movie nilang My Big Bossing na kagigiliwan din.

Charice tinanggal na ang kaangasan, natuto sa mga naranasang pangba-bash sa kanya

Parang nagbagong buhay na si Charice Pempengco sa tono ng pananalita nito nang magbigay siya ng comment sa mga contestant na Hall of Famers sa katatapos na Talentadong Pinoy ng TV5.

Nawala ‘yung angas factor ng singer na kinaiinisan ng ibang netizen kahit boy image pa rin ang pinu-project niya. Wala siyang nakitang negative sa mga contestants, kahit ang ibang talent scouts ay nahawa sa kanyang magagandang comment at kind words. Puro positive ang binitiwan niyang salita sa mga ipinakitang talent ng mga contestant.

I’m sure alam ni Charice ang effect ng masasakit at masaklap na negative na ipinupukol sa kanya. Kaya naka-relate ang singer. Imbes nga naman na magpaappekto siya sa mga batikos na natatamo ay dapat mas mag-focus siya sa kanyang talent.

vuukle comment

ALENG MALIIT

ALONZO MUHLACH

BOSSING VIC

BOSSING VIC SOTTO

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

HALL OF FAMERS

MY BIG BOSSING

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with