^

Pang Movies

Robin ipinagtanggol si Jasmine

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binalak ng Philippians Productions na isama sa cast ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo si Kath­ryn Bernardo. Lalabas sana ang teen actress sa isang mahalagang role dahil ayon kay Robin Padilla sa guesting niya sa ANC News Channel, “Dahil siya (Kathryn) ang imahe ng batang Inang Bayan ng Pilipinas!

“Dumaan kami sa proseso sa pagkuha kay Kathryn. Pinadala namin sa kanya ang storyline at nag-antay kami ng sagot hanggang sa makabalik galing Amerika.

“Ngunit hindi kami tumugma sa schedule niya pero hindi namin siya pinalitan. Hindi na lang namin ginawa ang role dahil bagay lang ‘yon kay Kathryn!”

May lumalabas kasing tsismis na dapat ay kay Kathryn ang role ni Jasmine Curtis-Smith sa movie. Kaya naman nagpaliwanag ang Action King sa isyung ito.

Gayunpaman, nakuha man o hindi si Kathryn sa movie, tiyak na maipagmamalaki niya ang festival movie ni Robin kapag napanood ito. Talaga namang kasing pinaghusay ni Robin ang paglabas bilang Andres Bonifacio. Lumutang muli ang galing niya’t damang-dama sa performance niya ang puso sa pagganap sa kanyang idolo.

Ilang beses pinalakpakan ang acting ni Robin sa premiere ng movie. Nakakapanindig-balahibo ang huling bahagi ng pelikula nang patayin na silang magkapatid.

Impressive din ang direksyon ni Enzo Williams. Maging si Bb. Joyce Bernal ay hangang-hanga sa pagkakagawa ng movie. Malakas ang posibilidad na masungkit ng baguhang director ang best director award sa Gabi ng Parangal.

Maging si Vina Morales ay nagpakitang-gilas ng pag-arte lalo na sa eksenang gusto niyang kausapin ang lumabas na Emilio Aguinaldo upang hu­mingi ng tulong na isal­ba ang buhay ng asawa (Robin). At nabuhay ang dating fans ng dalawa dahil naghihiyawan sila sa mga eksenang naglalambingan sina Robin at Vina, huh!

Hindi man ganoon kalaki ang role ni Daniel Padilla, still, malakas pa rin ang impact ng presence niya sa screen kaya panay ang tili ng kanyang fans sa sinehan.

Mabilis ang pacing ng movie, maganda ang cinematography at ang musical scoring ay akmang akma sa buong pelikula.

Anyway, also in full force ang buong Padilla clan sa premiere. Nandoon si Mommy Eva Carino, BB Gandanghari at maging si Nora Aunor ay dumalo upang manood ng pelikula.

Tunay na maipagmamalaki ng producers ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo ang kanilang pasabog na debut sa movie industry.

Anyway, after Bonifacio, gusto namang gampanan ni Robin sa susunod na project ang buhay ng kontrobersyal na bilanggo na si Herbert Colangco. Tulad ni Robin, nakakulong sa Bilibid Prison si Herbert pero nakagawa ng album at naging platinum pa, huh!

Mas gusto ng pera, Miguel ayaw munang makipagrelasyon kina Bianca at Barbie

Sasakyan ang gustong bilhin ng teen actor na si Miguel Tanfelix para iregalo sa sarili ngayong Pasko. Naliliitan na raw kasi siya sa gamit na sasakyan dahil sa dumaraming commitments, kaya kapag sumakto ang pera, ang matupad ang Christmas wish niya ang pipiliin niya.

After three months, bida na naman ang loveteam nina Miguel at Bianca Umali sa unang handog ng GMA na Once Upon a Kiss. Malakas ang dating ng dalawa sa screen at kung hindi gaanong nagamit ang tambalan nila sa Niño, hindi mabibigo ang kanilang fans na maramdaman muli ang chemistry nila sa bago nilang series.

Pero kahit si Bianca ang ka-loveteam, hindi pa rin nawawala ang tsismis kina Miguel at Barbie Forteza. Pero gaya sa nakaraang interviews, consistent si Miguel sa pagsasabing friends lang sila ng Kapuso artist.

Eh, may Bianca, posible bang magkatuluyan sila?

“Posible! Ha! Ha! Ha! Maganda si Bianca! Pero siyempre, ayaw ko munang ipasok ‘yan. Ayokong mawala ang blessings na dumarating sa akin dahil tiyak na masisira ang focus ko kapag na-in love ako!” katwiran ni Miguel.

Sa totoo lang, star studded ang cast ng Once Upon A Kiss. Balik-Kapuso ang Kapamilya actress na si Mylene Dizon at kasama rin sa cast sina Nova Villa, Manilyn Reynes, Al Tantay, Keempe de Leon, Michael de Mesa, at marami pang iba.

vuukle comment

ANG UNANG PANGULO

BIANCA

BONIFACIO

KATHRYN

MIGUEL

NIYA

PERO

ROBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with