^

Pang Movies

Tututok na sa pagpa-pamilya Derek gusto nang mag-pack up sa showbiz!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi pa pala alam ni Derek Ramsay kung magre-renew siya ng kontrata sa TV5. Mag-i-expire na ang kontrata niya sa February 2015, at ayon sa kanya nang makausap namin siya kahapon sa special screening ng English Only Please that the network wants to renew him pero pinag-iisipan pa raw niya. “Pinag-uusapan pa namin, they said they gonna renew, and ako ‘yung nag-iisip kung renew or pack-up na ako sa industriya,” sabi ni Derek na ikinagulat namin.

Asked why, say ng aktor, “I don’t know, I was just thinking. . .I don’t know. I have this  responsibilities to my endorsements and all of that, I treat them like my family.

“When I say pack-up, it’s not completely shutting myself away from showbiz, but I don’t know, I’m just thinking about, I’m gonna think about it during the Christmas holiday, if I’ll enter the next chapter of my life. Baka maybe this is the reason why I can’t find the right girl,” natatawang sabi ni Derek.

Mahal daw niya ang showbiz pero hindi na raw ­siya bumabata at gusto na niya magsimula ng pamilya. But since say nga niya ay wala pa naman siyang nakikitang babaeng mamahalin, eh wait and see na lang muna tayo kung ano ang mangyayari sa aktor sa 2015.

John pinagsabihan si Jake na hindi dapat umaasa ng award

Sa presscon ng Tragic Theater ay nahingan ng reaksyon ang isa sa bidang si John Estrada tungkol sa issue ng pagkatalo ni Jake Cuenca as Best Supporting Actor sa recently-concluded PMPC Star Awards for Television at pagkakapanalo naman niya. Pareho silang nominado para sa Ikaw Lamang teleserye.

Naging issue kasi ang tila sagutan nilang dalawa in print. Nagpahayag si Jake na disappointed siya sa kanyang pagkatalo pero happy naman daw siya for John.

Pero sinagot ito ng aktor na “I’m sure, hindi siya ganu’n ka-happy sa akin” at nagbitaw ng pahayag na hindi raw dapat nag-expect si Jake dahil sa rami ng mga kalabang magagaling na senior actors.

Nilinaw ni John nang makausap namin sa Tragic Theater presscon that he has nothing against Jake. “Kaibigan ko si Jake, I like Jake. I always tell him during tapings namin (sa Ikaw Lamang) na, for me, this is his best performance ever. In-acknowledge ko yun.

“Now, nung ako ay nanalo, na hindi ko naman talaga ini-expect, ano ba ang sasabihin ko, thank you ba o natsambahan ko lang? “Kung baga, parang boksingero lang ‘yan. Si Manny Pac­quiao nga ay natatalo, ‘di ba? Siguro, sa tingin natin napakagaling niya at totoo namang napakaga­ling niya, pero natsatsambahan siya.

“Kung baga sa boksing, labanan ‘yan, ‘di mo puwedeng maliitin mga kalaban mo. So, I’m sure, hindi naman ganun ang ano ni Jake, baka nadala lang ng pressure,” pahayag ni John. Alam din ng aktor na talagang mahigpit ang labanan sa nasabing kategor­ya dahil pawang magagaling ang mga nakalaban niya. Aside from Jake, nominado rin sina Ronaldo Valdez, Christopher de Leon, Joel Torre, Eddie Garcia, and Tirso Cruz III.

“Anybody can win that. I’m just so blessed and lucky enough na sa akin ibinigay, wala akong magagawa,” say pa ni John na gumaganap bilang pari sa Tragic Theater na ipalalabas sa mga sinehan sa ­January 8, 2015.

vuukle comment

BEST SUPPORTING ACTOR

DEREK

EDDIE GARCIA

ENGLISH ONLY PLEASE

IKAW LAMANG

JAKE

JAKE CUENCA

NIYA

TRAGIC THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with