^

Pang Movies

Pero hindi man lang na-meet ng dalaga anak ni Robin na si Camille type si Xian Lim

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Proud na proud ang anak ni Robin Padilla na si Camille Orosa sa status ng kanyang ama na kinikilalang malaking artista sa bansa. Ang mommy ni Camille ay ang dating model at aktres na si Leah Orosa na kasama sa cast noon ng palabas na Alabang Girls.

Sayang, dahil ten days lang nakapiling ni Camille ang ama nitong si Robin na bumalik na sa US kaya hindi na niya mapapanood ang movie nito na Bonifacio: Ang Unang Pangulo na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula ngayong December 25.

Pero nairampa naman siya ni Mariel Rodriguez sa kanilang gla­morous trip. Na touch si Camille dahil gandang-ganda ang anak ni Binoe sa mga monumental spots  at landmarks sa Manila.

Dalawang kurso ang natapos ng anak ni Binoe. Ang isa ay business administration na nagagamit niya sa kanyang work as office manager sa isang opisina sa San Diego California ngayon. Nakatapos din ito sa University of San Diego Fashion Ins­titute at nagmo-model na rin siya. Namana ni Camille ang pagiging fashion model sa kanyang mommy, pero ang forte ng 24-year-old daughter ni Binoe ay more on sa pagmi-make-up. Mukhang hindi raw niya linya ang acting tulad ni Binoe at dyahe rin daw siya sa pagsasalita niya ng Tagalog. Though nakakaintindi naman siya.

Dahil sa pagiging matulungin ng ama niya ay namana niya ito at may sarili rin siyang tinutulu­ngang foundation sa US. 

Natawa si Camille sa reaksyon ni Robin na nataranta nang sabihin nitong crush niya si Xian Lim na minsan nitong napanood sa TV. Sampung araw lang si Camille sa bansa kaya wala silang chance na magkakilala ng young Kapamilya actor.

Bale ba may American boyfriend na si Camille at 4 years na raw silang steady at hindi lang niya alam kung paano sasabihin kay Robin. Basta ang nabanggit lang niya sa ama ay “there’s a boy,” na hindi alam ni Camille kung paano dudugtungan para sabihin na may nobyo na nga siya. At the mean time, tama na raw muna ‘yun at baka lalo raw ma-shock ang kanyang tatay.

Dumating din ang isa pang anak ni Robin na si Ali, kaya nakiusap ang aktor sa TV5 na iurong muna ang taping sana nila nina BB Gandanghari at Rommel Padilla ng na 2 1/2 Daddies para makapiling nito ang kanyang mga anak. Buo naman ang tiwala ni Binoe sa director ng 2 1/2 Daddies na magagawan ito ng paraan na naka-schedule pa naman na ipalabas sa January 2015.

vuukle comment

ALABANG GIRLS

ANG UNANG PANGULO

CAMILLE

CAMILLE OROSA

LEAH OROSA

MARIEL RODRIGUEZ

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with