^

Pang Movies

Lovi ayaw pang balikan ang pagpapa-sexy

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakwentuhan namin si Lovi Poe sa presscon ng Shake, Rattle and Roll XV at sinabing kahit mahirap ang paglabas sa horror movie dahil sa effort na sumigaw ay nag-e-enjoy naman siya.

Sana daw sa susunod na project ng katatakutan ay siya naman ang mananakot gaya ng Japanese horror.

“Sa horror movie kailangang sumigaw dahil sa takot kaya it’s physically draining gaya nang mga eksena namin sa Flight 666 na kinunan mismo sa loob ng plane,’’ anang Lovi.

Hindi lang malalaki ang mga artistang kabilang sa Shake, Rattle and Roll XV kundi gayundin ang bonggang special effects ayon kay Mother Lily.

Kumusta naman ang lovelife ng aktres?

Stable ang relasyon nila ni Rocco Nacino at nagkakasundo sa maraming bagay pero malayo pa ang paglagay sa tahimik. Marami pa siyang plano na gustong matupad.

‘‘Ngayong may sarili na akong bahay. I want to be independent at career wise gusto ko pang gumawa ng matitinong proyekto. Hindi ako nasasakal sa relasyon namin ni Rocco at wala kaming pakialaman kung ano ang gusto naming gawin,’’ sey pa nito.

Inamin din ni Lovi na ayaw muna niyang maging daring gaya nun. Matagal na siyang nagpahinga sa pagpapa-sexy pero hindi naman nangangahulugan na pinagbabawalan siya ni Rocco.

Pampamilya ang Shake, Rattle and Roll IV kung saan Pinoy na Pinoy ang dating.

Sana ngayong pasko sa love hotline

Tiyak na maraming makaka-relate sa episode ngayong Biyernes sa Love Hotline dahil tatalakayin kung paano ipagdiriwang ni Edwin ang Pasko ngayong wala na ang kanyang mahal?

Naging maganda ang pagsasama ng mag-asawa sa loob ng 13 taon at nagkarun sila ng apat na anak. Biglang gumuho ang lahat kay Edwin nang mamatay ang asawa dahil sa kumplikasyon sa diabetes.

Bibigyang payo nina Jean Garcia at love expert na si May Soriano kung paano ipagdiriwang ni Edwin ang Pasko.

 

vuukle comment

EDWIN

JEAN GARCIA

LOVE HOTLINE

LOVI

MAY SORIANO

MOTHER LILY

PASKO

PINOY

RATTLE AND ROLL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with