^

Pang Movies

Ryzza Mae gusto nang mag-drive

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa tatlong episodes na ginampanan ni Ryzza Mae Dizon sa My Big Bossing na Sirena, Taktak at Prinsesa, pinakamahirap ang Sirena dahil sa mga eksena niya sa ilalim ng tubig na madilim at maraming malalaking isda na baka raw siya kainin.  Pero tiwala raw naman siya sa kanyang diving instructor kaya hindi siya natakot sa eksena.  

Biro ni Vic, langoy-aso raw lamang ang alam ni Ryzza pero nag-aral ito ng diving under her swimming instructor, si Jess Lapid Jr.  at nakapasa siya with Junior Certificate in Diving.  Nagkatawanan nga nang sabihin ni Ryzza pwede na raw siyang mag-drive ng kanyang bagong SUB car. Natawa rin siya nang sabihing ‘diving’ at hindi ‘driving.’

Kini-claim na ni Ryzza na sila ang magiging number one sa box-office sa MMFF.  Ayaw man itong i-claim ni Vic, confident daw siyang hindi man malampasan, mapapantayan nila ang kinita ng My Little Bossings last year na kumita ng more than four hundred million pesos.  Alam daw niyang may hatak ang dalawang bagets, lalo na si Ryzza Mae na ang fans ay mula sa mga bata hanggang sa mga senior citizens.

Star Group of Companies talbog ang mga kalaban

Mukhang may nangangamoy pang additional bonus sa employees ng Star Group of Companies (Philippine Star, Pilipino Star NGA­YON, at Pang Masa), nang sa annual Christmas party held at Harbor Tent, Sofitel in Pasay City last December 17, ipinahayag ni CEO and President Miguel Belmonte na ang kinita ng company for 2014 ay mas malaki sa kinita ng lahat ng ibang newspaper companies sa bansa. Kaya muli niyang hiningi ang lubos na pagtatrabaho at cooperation ng bawat isang empleyado para mas lalong gumanda ang kalagayan ng kanilang kumpanya. 

Nang magsalita naman si Mr. Manny V. Pangilinan na isa na sa kasanib sa Star Group of Companies, sinabi raw niya kay Boss Miguel na dapat ay may bonus sila. 

Lalong sumaya ang party dahil sa masarap na lunch at napakaraming pri­zes na ipina-raffle. Isa kami sa nag-uwi ng three thousand cash prize at isang napakalaking plastic container of groceries. 

Maraming salamat at Merry Christmas sa bumubuo ng Star Group of Companies sa pangunguna ni Sir Miguel.

Niño ayaw magpaka-stage father pero laging nakabuntot sa anak

Tama naman si Niño Muhlach, na the best pa rin ang original nang tanungin siya sa presscon ng My Big Bossing na entry sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25, kung sino ang mas mahusay, siya o ang anak na si Alonzo? Sinuportahan naman ito ni Bossing Vic Sotto na four years old pa lamang si Nino nang kilalanin itong ‘child wonder’ nang mag-artista noon. 

Ayaw ding matawag ni Niño na stage father siya kahit na lagi siyang kasama ng anak na si Alonzo, dahil ang mga ginagawa raw ni Alonzo ay pinag-usapan na nila ng tumatayong manager nito, ang writer na si Aster Amoyo. 

Sandali naming nakausap si Niño before the presscon at inamin niyang may bagong movie project ang anak pero ayaw niyang magdetalye, si Aster na raw lamang ang tanungin.  Basta very supportive lamang siya sa mga ginagawa ng anak at hindi niya pababayaan itong mag-isa lamang sa mga pinupuntahang events.  

Nagpasalamat din si Niño kay Ryzza Mae Dizon na marami raw naituro kay Alonzo na parang big sister sa anak.

vuukle comment

ALONZO

MY BIG BOSSING

RAW

RYZZA

RYZZA MAE DIZON

SIYA

STAR GROUP OF COMPANIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with