^

Pang Movies

Andi namanhid nang malaman ang relasyon ni Jake kay KC!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bagama’t nahihirapang maka-move on sa break-up nila ni Jake Ejercito, aniya ay happy na raw siya ngayon at wala naman siyang magagawa kundi tanggapin na lang ang lahat-wala na sila at may iba na si Jake.

Ayon kay Andi Eigenmann nang makatsikahan namin kahapon sa presscon ng bago niyang movie sa Viva Films, ang Tragic Theater, nang una raw talaga na malaman niya na may iba na si Jake, talagang sobrang sakit daw to the point na naging numb na siya at wala na siyang nararamdaman ngayon.
“Nung beginning, the first time I found out about it, I saw it, sobrang nag-breakdown po talaga ako, nasaktan po talaga ako pero hindi naman nag-end in one day of posting sa social networking site. It’s been going on everyday, of course, I see pictures everyday.

“But ‘yun nga po, the first time I saw it, it hurts so much that wala na akong nararamdaman,” say ni Andi.

Aminado siyang mahirap mag-move on but she has to dahil hindi naman daw niya siyempre nanaisin na manatiling nasasaktan.

“Gugustuhin ko ba to para sa sarili ko? Mas gusto ko ba talagang umupo na lang dito at masaktan at tanggapin na lang lahat to o to just not to let it get to me and just move on because I know for a fact that I deserve something and someone better,” pahayag ni Andi.

Ang non-showbiz girl na si KC del Rosario ang ipinalit ni Jake kay Andi at hindi naman daw niya masisisi ang ex kung nakakita na ito ng bagong mamahalin.

“Karapatan naman niya ‘yun, hindi naman na kami,” say ng aktres.

Ngayon daw ay happy naman daw siya.

“I’m actually happy now.

“This is a question na laging tinatanong sa akin in every interview, and now, I hope that this will be the last, and that people can see that yes, we’re not together anymore and we’re not going to get back together and I’m happy,” say ni Andi.

Samantala, sa nasabing presscon ay naikwento rin ng young actress ang tungkol sa pagkakaaksidente niya while doing the film last October.

“Well, we all know that the film is about exorcism and possession. We were shooting that scene na nakalutang po ako sa ere as seen on the trailer. Tapos habang nagtu-throw lines kami ni Kuya John (Estrada) because I needed to practice my lines because I was speaking in Latin, at inaangat po ako sa harness, pumiglas ‘yung tali ng harness. I fell about between 10 and 15 feet off the ground,” kwento ni Andi.

Ang binagsakan daw niya ay mga theater seats and from there ay bumagsak naman siya sa sahig. “I was just very lucky na walang serious injuries internally and externally. But I did have a very big black bruise on my right thigh, tapos sobrang namaga po siya and I couldn’t walk for a few weeks. Tapos ‘yung lower back ko rin po ang natamaan. But sobrang suwerte ko rin po na ‘yun lang ang nangyari sa akin,” she said.

Hindi nga raw niya natandaan ang mga nangyari dahil ayon daw sa mga tao sa set, parang nahimatay na raw siya habang nasa ere pa dahil sa sobrang shock.

“Hindi raw ako gumalaw, eh. Pero thankfully, dahil kung gising ako, kung aware ako sa nangyari na I was falling, baka gumalaw ako or something, baka ‘yung bagsak ko, mas masama,” say pa ng young actress.

Ang kuwento ng Tragic Theater ay base sa tunay na pangyayari noong dekada 80, isang trahedya ang nangyari sa isang film center na noo’y ginagawa pa lamang. Bumagsak ang scaffolding sa mataas na bahagi at natabunan ang mga trabahador sa ilalim nito.

Pinaniniwalaan ng marami na tumatayang 150-168 ang bilang ng mga namatay pero ang mas nakaka-shock ay ang mga kuwentong lumutang kung paano namatay ang mga trabahador.

Ayon sa mga kuwento, marami pa raw sanang buhay na trabahador at naipit lang sa steel bars pero sa halip na tulungan, inutos daw ng isang opisyal na buhusan na lamang sila ng semento para hindi ma-delay ang construction.

Since then, marami nang umikot na kuwento ng paranormal tungkol sa gusali.

May mga nagsasabing nakakarinig daw sila ng mga iyak at sigaw kahit wala namang ibang tao sa paligid.

Maraming spirit  communicators ang sumubok, wala pa rin umanong nakakapagpaalis sa mga galit ng kaluluwang naninirahan sa loob ng teatro.

At dito nagsisimula ang kuwento ng Tragic Theater kung saan ginagampanan ni Andi ang papel na taga-Department of Tourism na inatasan upang siguraduhin na wala nang kaluluwang namamahay pa sa gusali.

Aside from Andi and John, kasama rin sa movie si Christopher de Leon mula naman sa direksyon ni Tikoy Aguiluz.

Showing na sa January 8 ang Tragic Theater bilang opening salvo ng Viva Films for 2015.

 

vuukle comment

AKO

ANDI

ANDI AND JOHN

ANDI EIGENMANN

DAW

NAMAN

TRAGIC THEATER

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with