^

Pang Movies

Sobra ang pagka-in love sa isa’t isa Maja araw-araw na nireregaluhan’ni Gerald!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng The Gift of Life mini-series nina Gerald Anderson at Maja Salvador last Tuesday ay natanong sa dalawa kung ano ang pinakamagandang regalo na natanggap nila mula sa isa’t isa.

“Ako siyempre ‘yung love niya. Everyday niya ipinaparamdam kung gaano ako ka-espesyal. Hindi siya nagsasawa na iparamdam kung gaano niya ako kamahal,” sabi ni Maja.

Bukod dito, ang pinakabonggang gift naman daw na naibigay ni Gerald sa kanya ay noong first date nila kung saan ay matatandaang umarkila pa ang aktor ng helicopter.

“Kasi nga love is in the air,” Maja Salvador said.

Ayon naman kay Gerald, ang pagkatao raw ni Maja ang pinakamahalagang regalo ng girlfriend sa kanya,

“Siguro sa akin more than boyfriend-girlfriend relationship mas mahalaga sa akin ‘yung pagkatao niya, kung paano siya. ‘Yung tipong kung nasaan man siya o ano man ang ginagawa niya, she will cross the ocean, she will climb a mountain for you. And on the spot.

“So para sa akin, alam mo naman love can come and go pero para sa akin mas tini-treasure ko ‘yung pagkatao niya, ‘yung personality niya, kung paano niya minamahal ang pamilya niya at ‘yung mga taong close sa akin,” say ni Gerald.

Ang The Gift of Life episode ay second episode ng Pamaskong Handog ng Dreamscape Entertainment na Give Love on Christmas. Ito ang unang pagsasama nina Maja at Gerald sa isang serye at magsisimula sa Dec. 22, Monday, bilang kapalit ng The Gift Giver episode.

Tampok din sa Give Love on Christmas Presents The Gift of Life sina Marlann Flores, Melissa Mendez, Ricardo Cepeda, Nico Antonio, Shey Bustamante, at Angel Sy. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Malu Sevilla.

Kahit magmulta sa MMFF, Yael uunahin ang asawang si Karylle kaysa magpa-pogi sa Parade of Stars

First movie ni Yael Yuzon ng Sponge Cola ang pelikulang Shake, Rattle & Roll XV. Kasama siya sa Flight 666 episode with Lovi Poe, Matteo Guidicelli, Daniel Matsunaga, Kiray Celis, at marami pang iba, mula sa direksyon ni Perci Intalan.

Nabanggit nga minsan ng asawa niyang si Karylle na daig pa raw siya ng mister dahil may pelikula nga ito. Say naman ni Yael nang makatsikahan namin sa grand presscon last Tuesday, nagdyo-joke nga raw silang mag-asawa tungkol dito.

“Mga joke-joke lang naman namin ‘yun, kasi siya naman, kaka-gold lang ng album niya. Ako naman, hindi pa naggo-gold ‘yung album namin (ng Spongecola), so parang du’n naman ako panis,” natatawang sabi ni Yael.

“So, ayos lang. Ano naman, eh, we’re basically very supportive of each other ever since naman, saka lagi ka­ming nagpu-push na maging maga­ling kami sa lahat ng bagay na ginagawa namin. That’s how our relationship works,” he added.

Nang kumustahin namin kung may baby na ba, ayon kay Yael ay napag-usapan nila ni Karylle na huwag munang mag-anak for now.

“We’re gonna concentrate muna on our coming world tour, kasi we’re doing a lot of shows, sa Philippines saka outside, sa iba-ibang countries. And also, we’re focused on each other lang muna. Kasi once na nagkaroon kami ng baby, it’s a different level altogether, at least, for now, kami lang muna.”

May time frame naman silang ibinibigay para magkaroon sila ng baby?

“Well, siguro, within the next 10 years,” natatawang say niya. “Hindi, hindi ko alam. Mas iniisip lang namin ngayon, each other and just enjoying being married,” say niya.

First Christmas nila ito together as married couple at marami raw siyang naiisip na plano, at excited na rin daw siya sa mga maiisip niya. Pero may idea na raw siya what to give to Karylle pero baka raw isulat namin.

Sa sobrang excitement nga raw nila, wala pa silang maisip na plano up to now. At dahil nga first Christmas nila ni Karylle bilang mag-asawa, hindi raw siya sasama sa film festival parade dahil time raw nila ito for the family at bilang mag-iisip pa raw siya kasi ng mga surprise para sa asawa.

Katuwa naman itong si Yael, huh! No wonder, pinakasalan siya ni Karylle.

vuukle comment

GIVE LOVE

KARYLLE

KUNG

MAJA

NAMAN

NIYA

RAW

SIYA

YAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with