^

Pang Movies

Buti nasisikmura ng napangasawa, aktor matagal nang may inililihim!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinakalilihim-lihim noon pa man ng aktor na mabaho ang mga paa niya, may alipunga kumbaga. ‘Pag tiningnan mo naman ang mukha niya, napakagwapo at hindi mo aakalaing may “sakit” siyang ganito.

Hindi sana ito madidiskubre kung hindi siya sumali sa isang grupo ng mga aktor na kumakanta sa ibang banda. Kapag matutulog na kasi sila at maghuhubad na ng sapatos, umaalingasaw na ang mga paa niya. Dumating ang time na ayaw na siyang makatabi ng mga kasamahan niya. Umaalingasaw kasi sa baho ang kanyang mga paa. Ayon naman sa aktor, matagal na niyang ginagamot ito pero ayaw pa ring gumaling. Dala ito ng pangingisda niya noon at laging nakayapak.

May misis na siya ngayon at ewan kung hindi napapansin ng kabiyak niya. So far, kahit matagal-tagal na silang kasal, wala pa rin silang anak.

Jake nakiapid sa babaeng may asawa na!

Kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang mga gawang pampelikula ng mga baguhang filmmakers at mga estudyante, New Wave Category ang tawag dito. Limang pelikula ang maglalaban sa kategoryang ito at tatlo sa mga ito ang matunog - Magkakabaung with Allen Dizon, Maratabat with Ping Medina, at Mulat nina Jake Cuenca, Loren Burgos, at Ryan Eigenmann. Ano kaya ang chance ni Jake na makaahon dito bilang best actor at best picture naman ang kanyang pelikula?

“I am not expecting but I am hoping, wala namang masamang humiling, ‘di ba? Ipinasok na namin ‘yung Mulat sa film festival abroad at maganda naman ang pagtanggap sa kanya,” pahayag ni Jake.

Ang Mulat ay isang love story sa pagitan ng dalawang lalaki (Jake at Ryan Eigenmann) at isang babae (Loren Burgos), kung saan pinili ni babae ang kaibigan ng kanyang asawa.

Ano kaya ang meron si Jake na wala kay Ryan na ikinamulat ni Loren? Panoorin na lang natin nang malaman natin ang kasagutan. Umpisa na po sa Glorietta at Trinoma ang ilan sa limang nabanggit na pelikula mula Dec. 17 hanggang Dec. 24.

vuukle comment

ALLEN DIZON

ANG MULAT

ANO

JAKE CUENCA

LOREN BURGOS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MULAT

RYAN EIGENMANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with